Maaga akong nagising kinabukasan na may nguti sa labi. Napapakagat parin ako ng labi kasi hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko yun. Sa loob kasi ng ilang buwan na naging kami ay siya ang madalas magnakaw ng halik at yung akin halos smack lang kasi hindi ako marunong. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa yun. Hindi talaga ako makapaniwala.
Nag half day ako kasi balak kong sorpresahin siya. Monthsary namin bukas. Kaya para maiba naman ay ako magsusurprise sakanya.
Going back. Nandito ako sa mall, sa isang cake shop at nagpagawa ako ng cake. Hindi ako bumili ng bulaklak, parang ang weird naman kung ako yung magbibigay ng bulaklak sakanya. Kaya iba nalang ang balak kong ibigay sakanya na pamalit dun sa bulaklak. Ayoko din ang chocolates ang ibigay sakanya, parang wala sa personality niya ang mahilig sa chocolates. Lalaki kasi. Hindi naman sila mahilig sa mga matatamis na pagkain. Pansin ko din na kapag kumain ako cake na chocolate ay hindi niya ako hiningan kaya baka ayaw niya ng chocolates.
'Sana magustuhan niya mga ito.'bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa mga pinamili ko para sakanya. Kinuha ko ang pang make up at nag ayos muna ako ng mukha baka masita naman niya ako. Kakatapos ko palang kasing magluncj dito kaya hindi pa ako nakakapagmake up at lipstick.
Naghintay ako ng ilang minuto para matapos yung cake na pinagawa ko kasi may mga pinalagay pa ako na kakaiba. Para unique tignan.
"Mam, here's your order po" sabay abot sakin ng saleslady sa kahon ng cake na binili.
Binuksan niya yun sa harapan ko para makita ko ang design kung tugma ba yun sa description na ieexpect kong maging itsura nun. Sana okay na ito. Maganda ang pagkakagawa. [INSERT DETAIL OF CAKE]
Sumahod na ako nung katapusan kaya yung iba dun ay tinago ko para makabili neto. Effort diba? Kinuha ko yun at ngumiti sa crew nila.
"Salamat, nagustuhan ko."
"Happy Monthsary po"bati niya sakin at ngitian kolang siya tsaka na ako lumabas ng mall. Para sumakay ng pampasaherong jeep.
"Kuya bayad po. Sa may SaCop po" sabay abot ko ng bente pesos sa driver. Nilagay ko sa hita ko yung cake at naka uniform pa ako sa work kaya tinignan ako ng mga nakasabay ko sa jeep. Habang nasa daan ay inisip ko kung anong magiging reaction niya sa gagawin ko na pagsurprise sakanya. Parang na excite ako na makita siyang nakangiti dahil sa gagawin ko kasi nakasanay ako na siya lagi ang may pasabog kaya ako naman ngayon. Yung mga nanood kong video sa FB ay hindi ganun halata na kiligin ang mga lalaki pero ipaparamdam nila yun na naaappreciate nila.
SaCop kasi nandun lahat ng mga ahensya na gobyerno sa probinsya namin. Nasa iisang lugar nalang para hindi daw nakakapagod sa paglilipat ang mga empleyado.Makalipas ng ilang oras ng nasa byahe ay nakarating na ako.
"Para po"sambit ko sa driver ko at huminto naman ang jeep kaya bumaba na ako.
Kaso malayo sa entrada ng lugar na ito ng building nila kaya dapat mo pang sumakay ng pedicab papasok pero dahil maaga pa naman ay nilakad ko nalang yun. Mas okay na ito para pagdating ko dun ay papalabas na sila. Mag-alas singko kaya hanggang alas singko lang mga nasa gobyerno. Naglakad ako habang dala yung cake sa kanang kamay ko at yung bag ko naman sa kaliwa. Masaya akong naglakad at ngitian ang mga nakasalubong ko kasi pinapansin nila yung damit ko. Kakaiba daw sa uniform ng mga nagtatrabaho dito.
Nung makarating ako sa harapan ng builiding nila ay wala pa halos lumalabas sa establishment na yun kaya umupo sa bench na nasa tapat ng building nila. Napapalibutan ng puno at bench yung lugar at palagay ko dito sila tumambay kapag lunch nila sa internship. Patalikod akong umupo sa entrada ng building nila baka kasi may makakilala sakin dito. Binuksan ko yung cake at nilagay na yung kandila nun. Mamaya kona nalang sisindihan kapag lumabas na sila.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...