006:

238 11 0
                                    

Think twice before you speak.
Our tongue are soft but words can break a million heart with a simple thought.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫ ⭐Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Nakauwi na ako ng bahay at nakaligo.
Mag ala-una na ng madaling araw pero hindi parin ako dinadatnan ng antok.
Nag aalala ako baka kasi pagalitan siya.
Panira naman si kuyang sekyu,agad kong pinaalis.
Pwede ko naman siyang i-dm sa messenger tutal magkasama naman kami sa gdm sa iilang subject nung 4th year sila pero paano ko sisimulan?
Paano ko gagawin kung wala naman akong karapatan magtanong?
Baka ano pang isipin niya. Feeling closed ako ganun?
Tapos ano maturn off siya sakin?
Ang hirap naman na may gusto ko sa isang tao pero tinotopak ka at kinakabagan ka ng mga daga mo tyan. Anakngsiopao na buhay ito.
Buti nalang ay linggo bukas at wala pa akong pasok sa ojt (On-The-job Training). Magsisimba lang kami sa hapon kaya ayos lang kahit mapuyat ako.

Hinahanap ko ang account niya at nagsimula magtipa.

"Napagalitan kaba?" ||||

erase erase erase.

"Musta ka?" ||||

erase erase

"Anong sabi nila sayo?" |||||

erase erase erase.

Napasabunot na lang ako ng buhok kasi wala rin akong magawa, ni simpleng pasend lang hindi kopa makayanan.

"Chat kalang kung kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako. type ko na naman pero isesend kona sana kaso dinadaga ako. Ang sagwa naman basahin. Anakngsiopao parang jowa lang kung magtanong. Pinangungunahan ako ng takot  kesa sa care sa sakanya.

*just hit the send button you idiot!!* sabi ng kabilang banda ng utak ko.

*wag malalaman niya na may gusto ka sakanya. Iiwasan ka nun kapag nalaman niya* sabi naman ng kabila.

Dinaig kopa ang napapaligiran ng demonyo at angel ang utak ko. Anakngtinola nakakabobo at malapit na yata akong mabaliw dito.

Tinitigan ko nalang ang phone ko hanggang sa mamatay ang display light nun, tumingala sa kisame at inalala lahat ng nangyari ngayong araw na ito.

UNA yung  paghatid ko kina ate at pamangkin ko sa pedia clinic ng doctor niya kasi nga nilagnat. 

PANGALAWA, yung pag-anyaya nila mag celebrate dahil pumasa kami sa thesis.

PANGATLO, yung nalate ako sa celebration namin which is madalang mangyari kasi ayokong may naghihintay sakin, ayos lang na ako nalang ang mag antay. Oh diba pogi points nanaman yun kaso may emergency kasi.

PANG-APAT, ang nakapagpawindang sakin ay yung nandun siya kahit hindi namin siya kagroup. Hindi ko expect yun. Atsaka paano siyang napasama samin?

PANGLIMA,yung pag aalala ko sakanya nung makita kong namumula siya dahil sa allergy.
Dinaig kopa ang manlalaro ng track and field kakatakbo kung nasaan yung lagi kong pinagbibilhan ng gamot sa allergy.

PANG-ANIM, yung may allergy siya sa peanut. Noted na yan sa listahan natin mga tol. Pampalakas ng pogi points syempre.  BAWAL SIYA SA PEANUT!! Bawal na bawal!!
So alam kona ngayon kapag nagdate kami. De joke lang. Hahahaha. Napapangiti nalang ako sa sariling kalokohan.

PANG-PITO, yung nalaman ko na may hyperacidity siya. At hindi umiinom ng alak. Madalang nalang kasi kabataan na babae ngayon ang hindi uminom ng alak. Madalas nga mas matindi pa silang uminom kesa samin na lalaki. Tapos yung mga hindi naman ang madalas na reason ay strict ang parents kaya bawal o may karamdaman lang.
Wine siguro kaya niya naman noh?Palagay niyo? Basta mga non-alcoholic beverages, hindi rin naman ako hard drinker kaya hanggang beer lang ang preferred kong inumin kapag nag-aayaya lumabas ang mga barkada ko. Sobrang magical at perpekto ng araw na ito. Sobrang saya ko.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon