03:

284 14 0
                                    

Heads up. You are unique and loved. I miss you baby.-a simple reminder from yours truly.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Ring ring ring

Habang nasa banyo ako at naliligo kanina kopa naririnig na tumunog ang phone ko kaya nagtwalya muna ako para lumabas ng kwarto at sagutin yun.

Nakabukas pala ang wifi ko. Kaya galing sa messenger yung kanina pa tumunog.

One message recieved from Liel.

Binuksan ko yun at binasa.

From Liel:
"Vi, sorry kung feeling close
pero baka gusto monf sumama
samin. Magkakaroon kami ng
pa small celebration dahil
pumasa kami sa thesis. Kahit
sagli lang kung free ka?"
basa ko sa chat niya.

Sakto online pa siya kaya nireplayan kona din siya.

To Liel:
"Ayy kakahiya naman
hindi niyo naman ako
kagroup. Bat kasama pa ako?
Ni wala nga akong
naitulong sa inyo.:)"
sagot ko sabay send.

From Liel:
"Yiee sige na Vi. Sige na.
Sige na please. Balato mona
sakin ito. Pa thank you kolang
sayo kasi tinulungan mo kami
nung nasa nagipit kami tapos
hindi kapa nagdalawang isip.
Kaya sige na please."
nagpupumilit na reply niya.

Wala naman akong magagawa kasi kakahiya naman kung tatanggihan kopa. Simpleng bagay lang kasi para sakin yun, big deal pala sakanila. Nakakatuwa naman.

To Liel:
"Okay sige. Chat monalang
sakin yung mga details k
ung saan yung celebration niyo.
Naliligo kasi ako. Thanks"
pabalik na sagot ko.

At ibinaba ang telepono ko at bumalik ako sa banyo para ituloy ang naudlot kong pagligo. Nang matapos ako ay nakapagbihis na ako. Isang simpleng black shirt na may nakaprint na "No image" at isang itim na pantalon at mga high boots nalang ang sinuot ko. Simple nalang tutal sa mall lang venue ng celebration nila.

Sumakay lang ako jeep tutal dalawang sakay lang naman yun mula samin. At nung makarating ako sa mall at dumiretso na ako sa isang fast food chain. Dun daw ang meet-up naming lahat. Halos kumpleto na sila. Nahihiya akong pumasok kasi hindi naman nila ako kagroup.

"Vi" sabay kaway sakin ni Liel.

Balak kona sanang umurong kaso nakita na niya ako. Pinakilala niya ako isa-isa sa mga kagroup niya. Sina Bea, Mae, Tristan at si Cole. Three girls at 3 boys daw sila kaya lang wala pa yung isa. Umupo at umorder na sila ng makakain namin nag aambag din ako kahit paano. Kakahiya naman kung makikikain lang ako. Nagkwentuhan muna kami ni Bea habang hinintay sila.

" Vi, thank you nga pala tinulungan mo kami nung pasahan na ng thesis. Si Earl kasi biglang sinugod sa hospital nun kaya hindi niya pala natapos yung pinapagawa ni Liel. Buti nalang tinulungan mo kami nun kasi hindi masyadong gamay ni Liel yung mga part ni Earl sa thesis namin." kwento sakin ni Bea.

Pero bakit kaya naospital yung si Earl? Itatanong ko palang sakanyan kaso dumating na yung pagkain namin kaya nag umpisa na sila lantakan lahat.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para agad akong makarating dun. Late ako ng konti.

"Guys, sorry I'm late, nagpahatid sina ate sa pedia clinic ni Carl, yung pamangkin ko. Kagabi pa daw nilalagnat eh" hinihingal na sabi ko sakanila. Halos kumpleto na silang lahat pero may dalawang upuan pa na hindi okupado pero may pagkain na nakalagay dun isa. Umupo ako sa tabi nun.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon