Can we go back to time when you and I can collide to conquer this cruel world that we have?
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Kulang ako sa tulog.
Daming ginawa kahapon sa pinag oojt namin kaya hindi ako agad nakatulog kagabi.
Kaya medyo wala ako sa mood kahit birthday ko.
Bat pakiramdam ko may mali.
May hindi tama sa nangyayari.
Hindi naman dating ganito. Dati kapag birthday ko masaya na ganyan lang yung handa, na iilang putahe lang yung nakahanda sa hapag-kainan pero ngayon may hinahanap ko na kulang.FLASHBACK
"Kuya wake up!! Happy birthday!!Mwuahhh mwuahh" nagmumuni-muni ako ng biglang pumasok yung batang maliit at sumampa sakin. Dinaganan pa ako habang nakadapa at hinalikan sa pisngi.
"Ang aga-aga ang kulet mo. Alis nga diyan ng makatayo ako" untag ko sakanya kaso hindi naman umalis ang loko.
"Kuya today is Saturday. You don't have an ojt. So you don't have an excuse not to fetch ate Vianna right?" biglang usal niya sabay palo sa balikat ko. Sadista talaga. Pasalamat siya nakadapa ako kundi bugbog ang aabutin nito sakin.
"Oo na gagawin kona boss! Ke bata bata mo kung makautos kala mo ikaw si Mama" usal ko habang nakadapa parin.
"Why kuya? You should learn how to be a responsible man. Your old na you can have a baby soon. What if one day you and ate Vianna become a couple and then someone will kidnap her. You need to punch, kick them and tali them to save her right" maktol niya
" Aray!! Aray ko. Tanginang bata ka!!" ginawang punching bag yung likod ko. Anakngsiopao na bata na ito.
"MAMA OH. KUYA IS CURSING" sigaw nanaman niya. Kala mo naman maririnig siya.
"Cursing, cursing ka diyan. Alis nga diyan tatayo na ako" sambit ko nanaman kaso hindi natinag ang apog ng lola niyo.
"No! I still have something to say." Habang tinulak niya yung ulo para hindi ako makatayo.
"Ano......yun?" Anakng yung mukha pinagsusubsob na niya sa unan. Sakit ah.
"You can't hurt ate Vianna. I will kill you." sambit niya sabay ngudngod at sabunot sa buhok. Anakng!!
"Oo na. So umalis kana diyan. Tatayo na ako" untag ko taena ang sakit na ng ulo ko.
"No! I still have one"usal naman niya na medyo niluwagan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Meron pa. Ano nanaman yun?" bitaw ko ng salita.
"Have you already kiss ate Vianna?. How many baby do you want?" sabay bulong sa tenga ko. Dun na ako bumalikwas ng higa. Anakng. Lokong bata na ito. Muntikan pa siyang mahulog dahil sa pagkabigla buti nalang nasalo ko.
"HOY IKAW NA BATA KA!! ANU-ANONG MGA PINAPANOOD MO AH?? Kukunin kona talaga yang ipod na yan!!" sigaw ko sakanya at tumayo naiwan siyang nakahiga dun sa kama.
"Hoy kayong dalawa ano namang pinag aawayan niyo. Ke aga-aga kung magsigawan kayo wala ng bukas." sita ni Mama samin at nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko.
"Yang anak niyo pong bunso pagsabihan niyo yan at alisin niyo muna yung ipod niya. Anu-anong kalokohan ang napupulot" banggit ko kay Mama.
"I was just stating the facts, Kuya. Based on the news last night our country is too poor na. So each couple should learn how is family planning can help us survive for the succeeding years. For our future generations. For the future of the Philippines. I'm just teaching you on how to be responsible citizen of the Philippines. Then your making galit pa in me. Hmmp!! Your so tanga and bad!! I hate you!!" dabog niya at lumabas na naka cross-arm pa habang nakasimangot.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...