▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐A/N⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫Hi guys!
Thank you sa pagbabasa at paghihintay na mag update ako. Hindi ko man alam kung nag eenjoy or may thrill pa ba yung mga update ko. Kasi hindi kayo nagpaparamdam sa comment section. Gusto kong makita na manggigil kayo. Mangigil kayo!! Char. Kapag hindi tumutugma ang update ko sa ineexpect niyo.
T H A N K Y O U P O !!!!
P.s. There are scene that is not suitable for very Young audiences. Parental Guidance is advice.
P.p.s. Medyo magulo po ang chapter na ito. Try kong iedit kapag may time..
P.p.p.s. Guys kayo na ang bahalang umintindi. Hahahaha. Have a nice day.
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ NO POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Ang sarap ng gising ni Vianna parang lahat ng pagod niya nung nakaraan ay bigla lahat nawala. Parang ang gaan ng pakiramdam niya. Parang buong araw siyang tulog kahit na late na silang natulog. Kinapa niya ang katabi niya habang nakapikit parin at nung wala ng makapa niya na wala ng tao dun ay napabalikwas siya ng bangon. Lagi nalang ganun kapag natutulog sila ng magkasama madalas ay wala na si Earl sa tabi niya. Ang unang beses na nadatnan niyang katabi niya si Earl ay nung kina Dark sila ay magka-away pa sila kaya wala siyang magawa kundi ang layasan si Earl.
"Love!" tawag niya dito sa pag-aakala na baka nasa banyo lamang yun. Kaso walang sumagot kaya bumangon siya ng todo.
"Love" muling tawag niya at kumatok sa banyo ngunit walang sumagot kaya binuksan niya ang pintuan..Walang bumungad sakanya na tao.
Pumasok siya loob, naghilamos ng mukha matapos ay namataan niya ang mouthwash ng jowa kaya nagmumog na din siya ng hindi mangamoy laway. Kinuha niya ang twalya ni Earl bilang pamunas ng mukha niya tsaka siya lumabas ng banyo.
Naglakad siya papalapit sa side table at inabot niya ang phone niya, tinap yun ng dalawang beses para mabuksan.
"Alas otso na" sambit niya sa sarili.
Bumaba siya para hanapin kung nasaan si Earl. Habang pababa sa hagdan ang malakas na tunog ang music player sa bahay ang sumalubong sakanya. Sa sobrang lakas nun ay dumadagundong ang buong bahay ng tunog pero binalewala nalang niya. Naglakad pa siya hanggang sa mapalapit siya sa kusina pero nagtago siya sa isang sulok.
Nandun si Earl, nakajacket parin at naka apron habang nagluluto. Nilabas niya ang phone niya. Vinideohan si Earl. Hindi siya nakikita ng binata dahil nasa likuran banda siya nakapwesto. Tumutugtog ang isang Opm song pero hindi niya alam ang kung sino ang kumanta.
🎶Di ko mapigilan mapanakaw-tingin
Ang simple mong ngiti ay sadyang agaw pansin
Tahimik na minamasdan lang ang 'yong bawat galaw
Sa isip ay nilalarawan ang ako at ikaw
Ayos lang kung 'di mo kausapin
Ang lumingon ka ay sapat na sa'kin🎶Malakas na sambit ni Earl ng lyrics ng kanta habang naghihiwa ng mga rekado sa niluluto niya. Hindi mapigilang ngumiti ni Vianna kasi ang cute niya at ang lambing din ng boses niya. Mas ganda pala ng boses niya kapag tagalog ang kinakanta niya.
🎶Isang tingin mo lang
Bumabagal ang mundo
Isang tingin mo lang
Kumakabog ang puso
Hindi alam kung bakit 'yan ang
Sadyang nagagawa ng
Isang tingin mo lang
Oh isang tingin mo lang
Oh isang tingin mo lang🎶Muling kanta ng binata na may konti pang indak habang nagluluto parin kaya hindi mapigilan ni Vianna na mapabungisngis.
"Ampanget pala niyang sumayaw" bulong niya sa isip niya ngunit parang huminto ang mundo ni Vianna ng mapaharap sakanya si Earl. Tumingin sakanya kaya napatulala siyang tumingin dito.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...