008:

250 13 0
                                    

They say if you love someone. Love them with all heart, no buts and what ifs. Just enjoy the phase.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Vianna POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Kahapon minessage ko si Earl na sabay kaming magpass. Sinabi ko lang maging independent pero ako rin pag minsan binabahag din ang buntot. Baka makalimutan niya kaya as a reminder lang. Dapat by 9 am nandun na kami kaso 8:23 am na nasa sakayan pa ako. Walang jeep nag strike daw yung iba dahil sa jeepney modernization act. Pinaglalaban yung karapatan nila. Pero ano ba talaga ang tama? Yung panatilihin natin yung mga lumang jeep na kung minsan ay naaaksidente na dahil sa kakalawangin yung mga parte o ang maglabas ng bagong istilo nun kaso nga lang madagdag ang suliranin ng mga  jeepney contrator na maglabas ng pera para makabili ng bagong modelo na naayon sa desenyo nakalahad nun sa act? Hay ang gulo. Pero paano akon makakarating dun kung wala naman ako masakyan ngayon??

Beep beep beeep. 

Rinig busina ng isang motor. Nakahelmat ang nagdadrive. Black jacket, black helmet, black shoes, black motor. Meet Mr Black!!. Joke lang. Pero sino ito?  Inaangat niya yung salamin ng helmet niya at nakita kong si Earl.

"Tara sakay kana." wika niya. Sabay talikod at may inabot sa likod.

"Oh" abot niya sakin ng isa pang helmet.

"Nabalitaan ko na may strike, kaya nag motor nalang ako. Baka kasi mahirapan akong makauwi mamaya kung magkocommute din ako" paliwanag niya pero ang problema ko ay paano ko ilalagay yung helmet.

Hindi ako marunong. Hindi naman kasi ako sanay magmotor. First time ko nga nung sinakay niya ako dun sa motor. Dito sa motor niya. Madalas kasi naka kotse si mama. Tapos nagtataka kayo bakit madalas kong makalimutan ang seatbelt. Kasi po hindi rin madalas magpasuot ng  seatbelt si mama. Kapag may checkpoint lang dun niya ipapasuot sakin. Tsaka madalas talaga nagkocommute ako iba kasi sa feeling na nakasalamuha sa ibat ibang klaseng tao kesa kapag nakakotse ka. Wala kang kausap madalas. Napansin niya ata ako kaya siya na ang nag ayos nun.

Sumakay ako sa motor niya kaso hindi pa kami umusad. Bakit kaya?

"Bakit? Wag mong sabihin na seatlbelt nanaman hindi naman tayo nakakotse." pang aasar ko sakanya.

"Hindi nga tayo nakakotse. Pero magaling ka bang magbalanse? Nung unang sumakay ka sakin nahirapan akong magbalanse kasi hindi ka nakahawak sakin. Buti nalang malapit lang pupuntahan natin. Kaso ngayon medyo malayo tayo Viaana. Baka mahulog ka diyan at masagasan ng mga truck kapag hindi ka humawak" pagpapaalala niya sakin kaya natakot ako. Humawak ako sa balikat niya. Habang yung mga gamit ko nasa pagitan namin.

"Seryoso ka diyan?" tanong nanaman niya habang nakangiti. Loko ito ah.

"Oo" kaya umusad na kami kaso mabilis niyang pinaandar ang motor kaya natakot ako.

"Waahhh! Papakamatay kaba?" tanong ko sakanya habang nakahelmet. Nakakaloka siya. Ang bilis ah.

"Hindi pa nga mabilis ganyan na reaction mo. Paano pa kapag mabilis?" ungas niya sabay parada ng motor niya sa gilid ng daan.

'Ibaba na niya ba ako? Sama naman nito. Kakaturn off ah.

Pero imbes na ibaba ako ay...

"Dito ka humawak kasi kung mabagal lang ang takbo natin baka magsara na yung opisina nila wala pa tayo dun." untag niya sabay kuha ng kamay ko ay nilagay sa bewang niya.

'Ahh dun ba dapat. Sorry naman hindi ko alam eh.'

Umusad na kami at mabilis nga ng konti yung takbo namin kesa nung una niya akong sinakay dito.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon