017:

178 13 3
                                    

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Maaga akong nagising kasi iniisip ko pa kung pupunta ako o hindi? Kung papayagan ba ako o hindi? What if tumakas ako? What if hindi nalang ako magpaalam?

Once in a lifetime experience yun. Sabi nga nila diba. "Life should be wasted in a happy thoughts and memories should keep the happy scene."

Wala naman sigurong masama if once in my life naranasan kong maging malaya diba?

Tumayo ako sa kama at bumaba para makausap si Naynay. Tutal kaming dalawa ang nandito.

"Morning po Naynay" wika ko

"Morning din anak. Bat ang aga mong nagising?"usal niya habang nagluluto.

"Kasi po...." untag ko ay lumapit sakanya.

"Kasi anak? Kilala kita may gusto kang sabihin noh! Ano yun?" mapanuri na wika niya.

"Kasi po. Gusto kopong manood ng year-end party namin sa school. Palagay niyo po pwede?" paliwanag ko at inaamoy ang niluluto niya. Kalderetang manok.

"Ah mukhang hindi ako ang makakasagot niyan anak. Pwede naman kaso kapag nagpaalam ka ba papayagan ka?" malumanay na sambit niya.

"Yun nga po ang inaalala ko Naynay" malungkot na usal ko. Ang hirap naman.

"Bat hindi mo itry? Text mo ang Mama mo. Malay naman natin" suhestyon niya at sana payagan ako.

"Sige po" bitaw ko ng salita.

At umakyat ulit ako sa kwarto para kuhanin ang telepono ko at magpaalam kay Mama sana pumayag siya. Tinawagan ko siya at sinagot naman niya.

"Hello Ma. Good Morning po" bungad ko.

"Good morning anak. Bat napatawag ka? Maaga pa ah" usal niya.

"Kasi po..." nagdadalawang isip na sambit ko. Baka kasi magalit siya.

"Ano yun?" dinig kong wika niya mula sa kabilang linya.

"Ma, pwede ba akong magpaalam na manood ng year-end party namin sa school? Mamaya na po yun. Gabi po mga alas-syete po. Pwede po?"paalam ko.

"Gabi? Delikado sa daan kapag ganyang mga oras" wika niya. Sabi ko nga hindi ako papayagan.

"Sige na Ma. Mag iingat naman po ako" pangungumbinsi ko sakanya.

"Kung may kasama ka papayagan kita kaso kung wala pasensyahan tayo Vianna" may kondisyon na sagot niya. Pero maliban kay Naynay. Wala naman akong pwedeng isama na kilala niya para pagkatiwalaan ako.

"Sige po. Paano po kung isama konalang po si Naynay. Okay lang po ba?"nagsusumamo na wika ko. Sana naman okay lang.

"Okay lang basta pumayag si Yaya." wika niya at napangiti ako.

"Sige po kakausapin ko po siya"balik ko na sagot.

"Wag na ako nalang kakausap sakanya" at binaba na niya ang tawag. Ganun ba talaga? Kailangan may chaperone muna ako para pumayag sila! Hello 20 na kaya ako. Kaya ko ng tumayo sa sarili kong desisyon lalo na't alam kona ang mali sa tama.

Naghintay ako ng ilang oras ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Naynay.

"Oh pumayag ako sa samahan ka. Pero ihahatid lang kita at magtext ka kapag pauwi kana para masundo kita. Ayoko naman na awkward ka habang kasama ako anak tapos kasama mo mga kaklase mo. Baka ano pang sabihin sayo. Okay na ba yun anak?" wika niya. At sobrang saya ko. New experience nanaman ito.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon