SPECIAL CHAPTER

68 1 7
                                    

Pagkatapos kong bumaba sa stage ay sinalubong ako ng mga supporters ko. Nagpapicture sila at kanyang nanghingi ng picture kahit saglit man lang. Pinagbigyan ko silang lahat na nakalapit sakin. Maliban sa mini concert na ginaganap sa isang maliit na venue ay may pa book signing din ako para sa libro na naisulat at nagawa ko. 

"Congrats Kween."

"Salamat"

"Ayieeee we love you."

"I love you all."

Kanyang kanyang bati ang naganap sa aming lahat. Lumapit si Mama at yumakap sakin.

"Proud of you anak."

"Salamat po."

"Pagod ka ba?"

"Kaya ko pa naman po. Next please."

"Tubig oh."

"Thank you Dawn, lagi kang nandyan."

"Siya lang ang wala."

Nagpatuloy kami sa pagpapaphoto op sa mga supporters at reader ko at pagpirma ng mga dala nilang mga posters na mukha ko at ang libro na ginawa ko.

"Mamsh."

"May naghahanap sayo sa backstage."

"Huh? Sino? Nandito lahat ng mga taong kilala ko."

"Ewan ko nakahoodie siya. Puntahan mo nalang. Pinasabi niya na ang galing mo daw."

"Nanood siya?"

"Oo. Kanina pa daw."sabi niya. Nagkatinginan kami ni Dawn. Sino yun? Tumingin ako sa mga fans nasa harapan ko na nagpapapirma pa sakin. Marami pa sila.

"Bilisan nalang natin ng konti."sabi ko sa admin mg fansclub ng librob ko. Tumango ito sakin at kinausap ang mga members niya.

"Dawn, pwede patignan kung sino yun. Tatapusin kolang ito."

"Sige."sagot niya at umalis sa harapan ko para pirmahan ang mga poster na dala nila. Sobrang naapprecieate ko ang mga fans ko. Lalo na yung mga galing sa malalayong lugar para lang mapanood ako kaya kahit na timagal pa ako dito para mapirmahan lahat ng dala nila ay ayos lang. Buong araw naman akong walang gagawin ngayon at heto lang. Uuwi ng bahay para matulog. Yun lang buhay na meron ako ngayon. Hindi pa naman ako ganun kasikat pero sa tulong ni Dawn na siyang naging nagproducer ng mini concert ko kaya natuloy ito. Maliban sa tulong din ni Papsie at ng iba pang mga tao na tumulong sakin para maisakatuparan ang concert na ito. At sa mga tao na nakakilala sakin bilang si Ms Sunflower ngayon ay nakita na nila ang totoong mukha ko.

"Sino?"

"Kilala mo."

"Kilala ko? Sino nga?"

"Sobrang kilala mo. Basta tapusin mona yan at hinihintay ka niya."

"Tawang tawa ka diyan."

"Wala lang alam kong sasaya ka kapag nakita mo siya."

"Tsk! Maniwala ako sayo."

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon