Be blessed always. You are loved by everyone!!
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Nakikita ko kung gaano siya kasaya sa mga nakikita niyang bago ngayon kahit na umiiyak siya kanina habang papunta kami dito. Mabuti naman at nakisama ang tadhana na maging okay ulit ang atmosphere namin.
"Kain muna tayo bago magpunta sa Sunflower Garden."suhestyon ko sakanya. Pasado alas-onse na kaya siguradong gutom na ito. Buti nalang at marami ang dala kong cash kundi pareho kaming nganga dito.
"Sige pero last na. May nakita akong souvenir shop banda dun oh. Puntahan muna natin. Please" pagpapacute niya habang nakangiti. Kinuha niya ang kamay ko at hinatak nanaman ako. Bahala kang mapagod diyan.
"Hay!! Kapagod. Ha ha ha!!" usal niya sabay buga niya ng hangin nung huminto kami paglalakad.
"Bat kasi nanghahatak kapa?" sita ko sakanya.
"Basta!!" sabi niya at pumasok sa loob shop.
Nilabas ko ang phone ko at vinideohan siya habang namimili ng mga bibilhin niya."Psstt!!" sabay tutok ko sa mukha niya ng camera.
"Che!! Wag kang magulo!" inis na sagot niya habang may hawak na ano. Ewan ko anong tawag dun.
"Sunget" sabi ko kaya tinignan pa ako ng masama.
'Wag ko kayang bayaran ang pinimili mo ng bumait ka naman sakin?' bulong ko sarili ko at napapangiti.
"..si ate na nga lang. Hello po" sabay baling ko sa tindera na kanina pa siya tinignan.
"Hello iho"sagot niya at ngumiti naman ako.
Habang naglalakad sa loob at nagvivideo ay may nahagip ang mata ko. Boy version nung binigay ko sakanya na stuff toy.
Kaso ang ampanget namang tignan kung ako ang bibili neto tapos bibigay ko rin sa sarili ko para lang may kapareha yung binigay ko sakanya. Parang baliw naman ang lagay nun kaya wag na nga lang.
Pinatay ko ang video at lumapit sakanya. At niyakap siya mula sa likod pero hindi ako sa bewang humawak kundi sa leeg niya.....pero napitlag pa rin siya.
"Huyy. Ano ba!! May tao oh!." sita niya sakin at inaalis ang kamay ko habang lumilinga sa paligid.
*BLOW*
Hinipan ko ang ilalim ng tenga niya.
"Ihhhhhhhhh ano ba Earl!!" tili niya.
Nakiliti.Hahaha.Kinuha ko ang binili ko mula sa bulsa ko at sinuot yun sakanya tsaka lumayo mula sa pagkakayakap sakanya. Tinignan ko ang reaksyon niya. Nakatingin siya dun sa kwintas.
"Ano ito?" takang tanong niya at hinarap ako habang hawak ang pendant nun at pinakita sakin.
"Kwintas." sagot ko at tinalikuran siya at naglakad palabas.
'Hahabol yan. Tignan niyo man'
[SEE PHOTO ABOVE FOR THE DETAILS OF THE NECKLACE]
"Huyy Earllllll!! Ate pabalot po kukunin ko lahat niyan" rinig kong sabi niya at mukhang humabol sakin.
Hinintay ko na makalapit siya ng konti sa pwesto ko at nang maramdaman ko na konti nalang.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Ficción GeneralWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...