051:

184 8 2
                                    

Maaga akong nagising kahit na puyat ako kagabi. Heto na. Last na talaga ito. Sana talaga gumana na. Bumangon ako sa kama at uminom ng tubig na nasa tabi ng study table. Pumasok sa banyo at naligo. Mabilis lang kasi kailangan kong umalis ng maaga. Nagbihis at nagdress nalang ako. Pero magdadala ako ng bag para may mapaglagyan ng pants at extra tshirt baka siya magalit kapag nakita niya akong nakadress.

"Naynay alis na po ako."paalam ko sakanya habang nasa kusina siya. Lumingon siya sakin.

"Hindi ka man lang ba kakain muna." tanong niya. Tinignan ko ang relo ko. Baka kasi malate ako.

"Tinapay nalang po."pagpayag ko.

"Oh halika muna dito." yaya niya sakin kaya umupo na ako sa mesa. May mga nakahandang ulam sa mesa. Nakatakam ako.

"Kain na nga po ako. Makakagutom po yung niluto niyo." sambit ko sakanya. Ngumiti siya matapos ay mabilis na kumuha ng plato ko at mga kubyertos. Nagsandok at sinaluhan ako sa hapag-kainan. Tahimik lang kaming kumakain ng bigla siyang magsalita.

"Hindi pa ba kayo ayos?" tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin sakanya. Binaba ko ang mga kubyertos na hawak ko. Umiiling ako sakanya  kaya lumungkot ang mukha niya. Sa lahat ng tao dito sa bahay, si Naynay ang madalas na makahuli sakin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kung malungkot ba ako o masaya. Mas daig niya pa nga si Mama. 

"Cheer up, Naynay. Misunderstanding lang po pero hindi po kami maghihiwalay."

"Nalulungkot ako para sayo eh."sabi niya. Napailing ako. Natouch sa sinabi niya.

"Naynay, magiging okay po kami."pangungimbinsi ko sakanya.

"Magiging okay kayo. Ipapanalangin ko yan."wika niya.

'Sana nga po. Sana Naynay.'

Mabilis akong kumain at inubos lahat ng sinandok ko. Uminom tsaka na ako tumayo.

"Anak" tawag niya kaya bumaling ako sakanya. Napabaling ako ng tingin sakanya.

"Bakit po?"

"Bakit hindi ka mag ayos? Ang putla mo iha." sita niya sakin kaya napahaplos ako ng mukha. Hindi nga pala ako nagmake up. Balak ko sanang magpalagay ng make up sakanya. Kay Earl. Kaso-

"Sige po. Mag aayos po ako. Akyat na po ako. Magtutooothbrush lang po."paalam ko sakanya kaya tumango lang siya sakin.

Patakbo akong umakyat ng kwarto ko. Iniwan ko nalang sa baba ang sling bag na dala ko baka makalimutan ko pa dito. Nagtoothbrush ako at kinuha ang mga pang make up ko. Naglagay lang ako ng foundation at konting lipstick. Ayos na ito. Magretouch nalang ako dun.

Nilock ko ang kwarto at bumaba sa sala. Kinuha ako ng bag ko. Sinukbit sa balikat tsaka ako naglakad papalapit kay Naynay.

"Alis na po talaga ako. Hahaha. Sure na ito Naynay."biro ko sakanya. Lumapit siya sakin habang may dalang walis tambo.

"Haynaku. Ikaw na bata ka." tinap niya ang ulo ko. Hindi ko man naranasan makasama ng matagal si Lola atleast kahit kay Naynay man lang ay naranasan ko kung paano lambingin at alagaan ng kasing edad niya.

"Pwede na po ba ang make up ko para hindi ako maipagpalit?"sabay pakita ko sakanya ng mukha ko. Umiiling siya. Nagtaka ako.

"Ayos na. Pero may kulang."

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon