In every morning the sun will shine and let you be productive for the whole day. Let it be take it with a smile in your face, a joy in your heart and the courage to conquer the world.
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Naglalakad pa kami sa loob ng garden nila habang nagkukwentuhan sila, nakasunod lang ako, ayokong sumali sa usapan nila baka nakakabastos naman yun. Moment nila ito. Bigay natin sakanila at mukhang matagal na silang hindi na uusap.
Iba't ibang klase ng bulaklak ang nandun at naka-landscape pa ang lugar. May maliit na kubo din.
"Papsie ano po yung pinag-uusapan nito kagabi?" pang uusisa ni Vianna habang naka angkla ang kamay niya sa braso ng Lolo niya.
"Bawal sabihin apo. Baka makulong si Papsiee. HAHAHHA" natatawang sabi ng Lolo niya pero nababanaag mong nagtatago siya base sa nababasa kong reaksyon ng mukha niya. Nagitla pa siya ng konti nung sambitin yun ni Vianna.
"Ang daya naman po. Kahit konti lang. Please" pagpapa-cute ni Vianna. Parang bata!
"Bawal talaga mapapalo ako. Ayaw mong nasasaktan si Papsie diba!" seryosong sabi ng Lolo niya. Mukhang importante at kahit sa sarili niyang apo ay bawal banggitin.
Ano naman kaya yun?
Kagabi? Tulog na siguro ako nun.Yung hitsura ng Lolo niya... ay halatang strikto kung tignan. Iba manamit.. classy, kung ikumpara mo ang galaw niya sa mga ka edad niya ay paniguradong mapapansin mo na may mataas ang pinag aralan. Ginagalang. Makapangyarihan kung kumilos. Tipo bawal kang magkamali kapag kaharap mo siya. Ma-awtoridad..... pero kapag nagsalita siya... WALA NA! Burado na lahat ng mga nauna kong sinabi. Kasi may paka pilosopo siya. HAHHAHA. At dinaan sa biro lagi ang sagot. Sisindakin ka pero ibasag ka sa huli.
"Ang tahimik ng syota mo, parang natuklaw ng ahas. Pinakawalan mo ba yung alaga ko dito?. Hahaha" sita niya sakin habang mapanuksong nakatingin kay Vianna.
"Papsieee talaga....Hindi ko po siya syota. Hindi po!! Okay?!" seryosong sabi ni Vianna at parang naiinis na rin.
"Ah talaga ba?!. Pero nanghihiram ka ng damit sakanya. Ikaw na bata ka.. may pera tayo, kakayanin mong bumili ng damit!!! Kaya wag kang manghiram. O baka naman nakitulog kana sakanila? Hahaha" nanunuksong usal ng Lolo niya at nakita ko namang nagseryoso ang mukha ni Vianna.
"Kinailangan lang po. Kaya pinahiram kopo siya, Sir." sabat ko sakanila at tatangong sumang ayon naman ang lolo niya.
Naglakad kaming muli hanggang sa dulong bahagi nun. Hindi na ulit ako suminggit pa sa usapan nila....
"Papa, kakain na po tayo" wika ng isang ginang. Yung mama niya at hanggang ngayon ay hindi ko po alam ang pangalan. Mukhang mabait yung mama niya pero hindi madaldal tulad ni Mama.
"Sige anak" sagot ng lolo niya.
Naglakad na kaming lahat papasok sa bahay nila. At isa-isa umupo sa dining table nila. Isang pahaba na mesa na napapalibutan ng mga upuan. Mayroong isang upuan sa pinakagitna na parang upuan ng hari sa mga palabas. Ganito ang set up namin..
— Papa niya — Mama niya
Lolo|
niya|
— Ako — ViannaSobrangggg awkward ng set-up namin kasi nasa harap ko ang ama niya tapos tinignan ako ng masama na kulang na ay kayang pumatay ang mga tingin niya. Para malihis ang atensyon ko ay pinagsandok ko nalang ng pagkain si Vianna habang nagkukwentuhan parin silang maglolo. Parehong madaldal. Busy masyado. At nagtatawanan pa sila. Hindi ba niya nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin ng ama niya?! O sanay na siya na ganito ang ama niya? Nakabadtrip naman!
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Fiksi UmumWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...