People think that you're weak.
But nope. All of us have a unique strengths and weakness. Love yourself my dear - a simple reminder from yours truly.▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐EarL POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Habang nasa daan ay naiisip ko kung bakit hindi ko siya hinatid sakanila kahit pwede naman. Pero walang matibay na dahilan para gawin ko yun.
Una, hindi ko siya jowa.
Pangalawa, hindi kami close, ni hindi nga kami magkaibigan.
Pangatlo, walang social media communication, Wala lahat.
Pero ang tanging sigurado lang sa ngayon ay dati kaming magkaklase sa kolehiyo. Sa iilang subject lang kasi nga transferee ako o kami ng mga kaklase ko. Alam ko marami sa inyo ang nagtataka bakit parang ang lapit ng loob ko sakanya?Kasi....nakahiya mang aminin pero may gusto ako sakanya? Kras!! Isang simpleng paghanga. Paghanga sa isang babae na kakaiba sa lahat. Ewan ko. Kung paano nalang nag umpisa. Basta Boom!! Yun na.!!
Anakngsiopao wag niyong sabihin sakanya ah. Kokotongin ko kayo!!Siya kasi yung tipo ng babae na magugustuhan mo kahit sa mga simpleng bagay lamang. Sobrang simple at mabait talaga siya. Paano ko nalaman? Secret na muna. Hehehe.
Nakarating ako sa bahay at agad na umakyat sa taas para tapusin yung dapat kong tapusin. Wala dito sina Mama. May pinuntahan na birthday hindi ako sumama kasi nga may dapat akong gawin. Mamayang gabi pa sila makakauwi kaya napilitan akong sa labas nalang kumain. Tinatamad akong magluto kahit marunong naman ako. Nasa kalagitnaan na ako ng ginawa ko nung biglang sumakit ang pakiramdam ko kaya natulog muna ako para maibsan anh sakit nun.
Zzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzz..
K I N A B U K A S A N
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kahapon na walang kain ng hapunan. Ang tagal ah. Kanina pa ako dito banyo ng kwarto at sa malas-malasan nga naman ang hinihiling ko na hindi mangyari ay nangyari nga. Nag tae ako pucha!! Ang sakit ng tyan ko!!
'Pang anim na beses ko ng balik ito. Anakngsiopao pasensya na po sa mga kumakain.'
"Earl labas na kakain na tayo" sigaw ni mama mula sa ibaba. Daglit na akong bumalikwas mula sa pagkakaupo ko sa trono, naghugas ng kamay. Syempre kailangan yun pagkatapos ay naghilamos na ako para mahismasan ng todo. Feeling ko nanghihina na yung katawang lupa ko. At anong oras man ay makakain na ako ng buhay netong nasa loob ng tyan ko. Daig pa ang dragon kung kumakalam.
"Good Morning Ma" matamlay kong wika sabay beso sa pisngi niya nung nakababa ako. Tatlo lang kami sa bahay madalas kasi laging wala si Dad. Laging nasa out of town or ibang bansa kasi nasa printing industry yung pamilya namin. Maliit lang hindi ganun kalakihan. Gumagawa sila ng mga customize na damit na basketball at iba pang halos polo shirt na tinatakan.
"Anak bat ganyan yung mukha mo? Namumutla ka!! May lagnat ka ba?" nag-alalang usal niya at kinakapa ang aking noo.
"Hindi ka naman mainit bat namumutla ka?"dagdag pa niya. Naramdaman kong namamawis na naman ang buong sistema ko kaya daglit akong tumakbo papunta sa taas para magbanyo. Isang malamig na pakiramdam na hindi maintindihan.
*PRUTTTTT PRUTTTTT PRUTTTT*
Tunog ng pwet ko habang nasa trono ng kamahalan.
Eww kadiri. Sorry po. Hehehehe
*peace sign*"Anak okay kalang? Kailangan mo ng gamot"salubong tanong ni Mama sakin paglabas ko ng banyo. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya dito. Mukhang hindi na gamot ang kailangan ko. Palagay ko dextrose na. Nanghihina na talaga ako.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Aktuelle LiteraturWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...