049 :

92 5 1
                                    

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Nakasakay na nga ako sasakyan. Nahabol ko siya pero hanggang ngayon ay hindi pa kami umusad. Diretso lang siyang nakatingin sa harapan habang mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay niya sa manibela. Bumaling ako sa tinitignan niya. Nandun pa pala si Dawn, nakaharang sa harapan ng sasakyan. Nagtitinginan sila. Nagpalitan ang tingin ko sakanilang dalawa. Nagpapatiimbagang si Earl kaya biglang tumabi sa gilid si Dawn at tinambol ang harapan ng sasakyan.

Unti-unting binuhay ni Earl ang makina ng sasakyan.

'Buti naman. Akala ko pababain niya ako kaya hindi pa kami umuusad.'

Umusad na kami pero ang tahimik. Na ultimong buntong-hininga naming dalawa ay naririnig ko maliban sa bulusok ng sasakyan sa dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, lalo na ay nakikita kong tumutulo ang dugo mula sa kamao niya. Kinakabahan ako at napapangiwi. Ang sakit nun. Pero parang wala lang sakanya. Bumaling ako sa mukha niya, ang seryoso. Bigla akong natakot sa aura niya.

'Hindi ba siya nasasaktan diyan sa sugat?'

*CLICK*

Biglang may tumunog na kung ano. Nilibot ko ang mata ko sa buong loob ng sasakyan, naghahanap na may nangyari na kakaiba. Tumingin ako sakanya.

Saan ba galing ang tunog na yun?

Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong sasakyan. Yung pinto, napansin ko nakalock ang mga pinto ng sasakyan. Napasinghap ako ng hangin.

'Ah yun pala yun. Kala ko ano na.'

Biglang siyang lumingon sa direksyon ko kaya napayuko nalang ako. Nilaro ko ang mga daliri ko kasi wala talaga akong masabi sakanya. May gusto akong sabihin pero natatakot ako sa aura niya ngayon.

"Akin na yung mga phone ko"utos niya. Nakapabaling ako ng tingin sakanya. Nakalahad ang kamay niya na dumudugo sa harapan ko. Mabilis na hinalungkat ko ang bag ko. Nilabas ang hinihingi niya. Hinawakan ko din ang panyo ko.

"Oh" sambit ko sabay abot. Pinatong ang mga yun sa hita niya imbis na sa kamay. Kinuha ko ang kamay niya para sana balutan ng panyo.

"Kaya ko ang sarili ko."agaw niya ng kamay niya pabalik. Kinuha ko ulit at pilit na inabot.

"Pero nagdadrive ka. Kaya akin na."utos ko.

"Kaya ko nga ang sarili diba." may diin at mabagal na sagot niya. Umayos ako ng upo. Hindi na ako nagmatigas pa. Tinuon niya ang paningin niya sa daan kaya ganun din ang ginawa ko. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko siyang makausap pero kapag nagsusungit siya at nagagalit parang umurong bigla ang dila ko. Gusto kong mag explain sakanya. Gusto ko ng maayos ang gulo na namin ito pero ganito siya.

Bigla akong napaluha pero agad kong pinigilan, pinahid yun sa takot na baka magalit siya lalo. Tumingin ako sa labas ng bintana habang naiisip.

'Paano kung magsalita nalang ako kahit na hindi siya sumagot? Paano kung mag explain nalang ako basta?'

'Tama yun nalang.' patango tango sabi ko sa utak ko. Lumingon ako sakanya. Diretso siyang nakatingin sa daan. Bumuntong hininga ako at lumunok. Ang pakla ng laway ko.

"Love, sorry na. Una, yung tungkol sa iiwan issue. Magegets ko naman sana kung sinabi mo lang yung totoong dahilan. Na ganun pala ang balak ni Tito para sayo. Na ganun pala ang balak niya para sa future mo. Kung sinabi mo lang na ganun pala ang dahilan mo edi naging maayos tayo kaagad. Kasi kung anu-ano na yung dahilan na nabuo ko sa isip ko kung bakit mo nasabi yun. Kala ko kasi may iba kang babae. Kala ko may iba kang gusto kaya ganun ka nalang bigla magsalita sakin. Alam mo at alam ko naman na okay tayo. Na masaya tayo kahit na nagkakatampuhan minsan pero okay tayo at masaya. Inisip ko palang na aalis ka ay nasasaktan na ako pero sino ba naman ako. Girlfriend molang ako diba? Yung kalaban ko ay future mo. Yung future mo na planado na pala ng Papa mo. Kasi wala namang magulang na gustong maghirap at mahirapan ang mga anak nila sa kinabukasan nila. Wala naman akong karapatan kasi para ikabubuti mo yun. Gets ko naman yun. Hindi kita pipigilan dun."tumigil muna ako sa pagsasalita kasi parang nababara na yung hangin sa katawan ko,nakukumpulan yun sa lalamunan ko kaya biglang nanikip yung dibdib ko.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon