022:

247 15 4
                                    

Hello hello hello.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

May sasabihin daw siya. Pero ano naman yun? Nahuhulog kana rin ba sakin Vianna?
May chance na ba ngayon? Kasi naiilang karin sakin. O may nalaman ka tungkol sakin na gusto mong isiwalat ko? Iba-ibang tanong na sumasagi sa isipan ko habang nakatingin sakanya. Kasi hanggang ngayon hindi ko parin mawari kung bakit nandito siya ng ganito kaaga...

"Kasi...." pambibitin niya ng sasabihin.
Yan nanaman tayo oh! Left you hanging on the cliff lagi ang peg. Kailan ba hahaba ang usapan natin mga 'to!!

"Kasi?"

"Kasi..." yumuko siya parang nagdadalawang -isip. Yung pangatlong isip mo lang ang gamitin mo para hindi ka mahirap. KORNY POTEK!! Hahaha. Ano ba yun? Yung tattoo ko? Itatanong mo kung sino ang mga yun kasi nakita mo ang initial natin?..."gusto ko sanang makita yung b-baril mo" dugtong na sabi niya. Ano raw?! Baril ko?!! Seryoso siya diyan?! Bat gusto niyang makita?

"Ano yun?"pag-uulit ko.

"Yung baril mo" nakayuko na usal niya.

"Seryoso ka diyan?" At tumango siya. Lumapit ako sa pintuan at nilock yun.

"Bat nilock mo?" nagtataka na tanong niya.

"Sabi mo gusto mong makita yung baril ko. Ipapakita ko sayo. Basta wag kang mabibigla. Hindi yun ganun kahaba pero matigas naman. Baka magtatalon ka diyan" nakangisi na sagot ko. Masyado siyang seryoso pagtripan ko kaya ito. Hahaha.

"B-bakit kailangan n-nakalock pa yun?" sabay turo niya sa pintuan.
Kasi nga kailangan natin ng P R I V A C Y.
Gusto mong makita eh.

"Bakit na nauutal karin??" nakangisi na tanong ko.

"Kasi nga---" nahihiya na usal niya.

"Hindi pwedeng makita ni Ellie yun. Kaya sayo kolang ipapakita. Baka bigla siyang sumulpot dito at makita tayo na may ginagawang ganun." mabilis na sabat ko sakanya. Masyadong ng kinakabahan ito baka akala niya anong gagawin ko sakanya.

"Ahh okay" nakangiti na sabi niya

"Pero bago yun. What makes you decide to know about it? Curiousity?" seryosong tanong ko at umupo ulit sa tabi niya.

"Basta gusto kolang makita. Kung okay lang sayo?" pamimilit niya. Hindi ganun kadali ang hiling mo Vianna!!

"Okay lang kaso kailangan ko valid reason Vianna. Hindi ako basta-basta nagpapakita ng mga bagay na alam kong dapat tinatago ko. So give me a valid reason. Alam ko nung una natakot ka dun so bakit ganito ngayon? Bakit ngayon biglang nagbago yung pananaw mo about dun?" Paliwanag ko sakanya. Hoyy mga talks*t kayo ah. Baka iba ang iniisip niyong baril diyan. Ibang sandata yun. Hahaha.

"Cause living in this world as girl, makes me realize that I need to learn something that can help me to protect myself. Something that can I depend on and not depending on other's people help. Lalo na kapag nasa kapahamakan ako.. Kasi hindi naman sa lahat ng oras may tutulong sakin diba. So bakit hindi ako magtry ng mga bagong bagay diba!" She said. I can see the sincerity in her eyes but I need more reason. Wow English!! Hahaha.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon