Last year is a MEMORY
This year we make a HISTORY
Next year is an additional STORY.▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ EARL POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
WELCOME TO
VILLA ANTONINA
CHILDREN'S FOUNDATIONYan ang bumungad sa paningin ko pagkarating sa lugar na yun. Nagkita nanaman tayo. Nabalikan naman kita.
Long time, No see my friend!!Pinatay ko ang makina ng sasakyan, inalis ang seatbelt ko at bumaba. Kasabay ng pagbaba ko ang pagbaba din ni Vianna.
Nakita kong nagpunta pa siya sa backseat ng sasakyan kaya mabilis akong umiikot para makalapit sakanya. At tangkang bubuksan niya ang pinto nun pero.."Wag na!! Ako nalang mabigat ang mga yan. Hindi mo rin kaya" sabi ko sakanya habang hawak ang car door.
"Sure ka?"
"Oo! Ako na diyan. Mauna ka ng pumasok alam ko naman namiss mona sila" pangungumbinsi ko sakanya..
"Sige per--"
"Viannnna??" sigaw ng isang madre at papalapit siya samin.
"Sister Myrrraaa"
"Kala namin hindi ka na dadalaw dito. Napatagal yata noh iha" rinig kong pag-uusap nila habang nasa harap ako ng compartment sasakyan.
"Oo nga po. Nalate po yung pasalubong ko sa mga bata ngayong taon. Mano po"
"Kawaan ka ng Diyos" at bumaling siya patalikod kaya nakita niya ako..."Ohh may kasama ka pala. Jowa mo ba iha?"
"Ahh H-Hindi po..Si Earl po. Kaibigan ko. Earl si Sister Myra,isa sa mga nangangalaga sa mga bata." pakilala niya samin at lumapit naman ako para magmano..
"Nice to meet you po. Mano po"
"God bless you iho."
"Musta po ang mga bata, Sister?" tanong at tinigil ko muna ang ginagawa ko para nakikinig sa usapan nila.
"Ayos lang sila. Halika hinihintay kana ng mga yun" paanyaya ni Sister Myra sakanya at inakay siya papasok. Naiwan ako.
"Earllll....u-una na muna kami" habang naglalakad palayo.
"S-Sige susunod nalang ako. Baba ko muna lahat ito. Pasok kana" sigaw ko sakanya at ngitian siya. Naglakad na sila papasok ng tahanan ng mga bata. Habang ako naman ay isa-isang binaba lahat ng mga dala namin. Mula sa backseat hanggang sa compartment ng sasakyan.
Matapos nun ay tumayo at pinagmasdan ang buong paligid.
Wala ka paring pinagbago. Simula nung huling nakapunta ako dito. Ganyan parin ang lugar.'
I miss this place pero mukhang hindi na ako kilala ng mga taong namamahala dito. Marami na ang nagbago sa namamahala pero ganun parin ang mukha ng establisyemento.
May seesaw sa kanan.
May swing naman ang nasa kaliwa.
May slides at iba't ibang klase ng palaruan.
May isang rebulto sa kanan.
Matayog itong nakatayo na parang pinagmamalaki kung ilang taon nang nakatayo ang establisyementong ito.
Mukha ng founder nila ang nakaukit dun.
Nandun parin ang puno ng acacia, mahogany at duhat na nakapalibot sa buong lugar.
Nandun pa kaya yung basketball court sa likod ng tahanan?
At nandun pa kaya yung kubo?
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...