Hi! Hello!
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫ ⭐Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
ONE MONTH LATER!!!
February na!!
Heto na nga ba ang sinasabi ko. Na pagdating ng bagong taon ay magiging busy na ako at pati na rin siya. Kaya halos sa online lang kami nag uusap. May trabaho na siya at tinanggap niya yung offer ng Mama niya sa kumpanya nila magtrabaho biglang isang Admin Assistant kaya naman pag uwi ay pareho na kaming pagod at kung minsan ay hindi na nakakapag-usap. Napagpasyahan namin na simula nung January ay magrereview na kami para sa Civil Service kaya laging pagod kapag umuwi tapos magrereview pa. Halos kapag weekends nalang kami nagkikita at lumabas pero kahit Sabado, minsan ay may pasok pa din siya.
Nakatambay ako sala nang may narinig akong nagdoorbell....
*DING*DONG*DING*DONG*
Lumabas ako para pagbuksan ang tao sa labas.
"Hi Love!"masaya na bungad niya sakin pero nagtaka ako at kunot noo napatingin sakanya.
"Oh nandito ka? Walang pasok?"naguguluhan na tanong ko sakanya habang nakadungaw sa gate namin.
"Meron pero umaabsent ako. Hihihi." natatawa na sagot niya."Uyyy papasukin mo naman ako!!"reklamo niya at tinambol ng konti ang gate kaya napangiti akong inalis ang pagkakalock nun.
"Ayyy sorry. Halika." napapahiya na sabi ko at niluwagan ang pagkakabukas ng gate namin kaya nakapasok siya.
"OH MY GOSH BABY!! WOAHHHH"napatakip ang bibig na namamangha na sabi niya pagkakita sa hawak ko.
"Shhhh. Ang ingay mo! Tulog siya oh" sita ko sakanya kaya napatingin siya sakin.
"Pahawak ako"sabay na lapit niya para mahawakan yun pero nilihis ko ibang direksyon ang hawak ko..
"Ophs!! Teka lang bawal mong hawakan!"pigil ko sakanya kaso ang kulet at ang likot niya pilit na inaabot yung baby..
"Bakit?"nakasimangot at naiinis na tanong niya kaya napangiti ako.
"Isara mo muna yung gate. Sa loob nalang tayo mag usap. Mainit dito"utos ko sakanya
"Okay po"rinig kong sagot niya at nauna na akong lumakad papasok pero...
*BLAG!*
Napahinto at napabaling ako ng tingin sakanya nung bigla niyang ibalibag ang gate kaya gumawa yun ng ingay.
"Ang kulet mo!Sinabi ko ng wag maingay. Binalibag mopa.Tch!"kunot noo na sabi ko sakanya at ngisian lang at nag peace tsaka lumapit sakin."Tara na!" yaya ko sakanya pero nandun siya sa bata nakatingin at hindi man ako tinapunan ng tingin kaya lumakad na ako at sumunod sa akin. Excited sa bata.
Nauna na akong nakapasok sa loob ng bahay namin sa habang buhat-buhat yung anak ni Ate Sam sumunod naman siya sakin at sinara yung pinto..
*BLAG!*
Pabagsak na sinara niya yung pinto.
"Huyyyyy ang kulet ah!!" napapakamot ng ulo na sita ko sakanya. "May galit ka ba sa mga pinto?"sarkastiko na tanong ko sakanya
"Sorry. Hihihi." natatawa na sagot niya at lumapit nanaman sakin.
'Parang bata talaga. Puro kalokohan na nga tinatawanan niya pa.'
![](https://img.wattpad.com/cover/204894900-288-k103018.jpg)
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...