Sorry na late ng update. Umalis kasi ako. May pinuntahan lang. So heto na.
Have a great day!!!▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Ang bigat ng pakiramdam ko, ang sakit ng ulo ko parang mabibiyak nanaman. Ganito ba ang pakiramdam ng nakainom?
Na-alimpungatan ako at naramdaman ko na may nakadagan na kamay sa baywang ko,dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Si Earl! At natutulog siya sa tabi ko na halos isang dipa lang ang pagitan namin. Nakaharap siya sakin at nakapikit pa ang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis yun sa baywang ko tsaka ako tumayo sa pagkakahiga sa kama. Nang maibaba kona ang dalawa kong paa sa sahig ay may nakita akong paperbag sa gilid ng kama. Kinuha ko yun at binuksan, isang dress at mga undies. Inangat ko yun at sinipat. Floral na dress na legs-height ang sukat.
'Sakin ba ito?' tanong ko sa isip ko at bumaling kay Earl. 'Galing sayo ito?' Bulong ko habang nakatingin sakanya.
Kumuha ako ng twalya habang dala yung paperbag tsaka ako nagtungo sa banyo para magmumog at maligo. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa katawan. Mukhang heto ang sagot para maalis ang antok at sakit ng ulo ko. Nung matapos ako ay lumabas na ako sa banyo ng nakabihis at suot ang dress na nakita ko kanina. Nilingon ang kama kung saan siya naroroon pero tulog parin siya.
'Anong oras ba siya bumalik?
Sino ang pinuntahan niya?'muling tanong ko sa utak ko.Naglakad ako papalapit sa cabinet at dahan-dahan na binuksan yun para hindi gumawa ng ingay. Kumuha ako ng isang jacket. Sinuot ko yun kasi walang manggas itong dress. Nahihiya akong bumaba na ganito ang suot ko.
'Pahiram muna'
Tsaka ko yun sinara at nagsuklay ng buhok matapos ay kinuha ko ang sling bag ko na nakapatong sa side table, sinablay ko yun sa balikat ko nang biglang mahagip ng mga mata ko ang mga maruruming damit na nakatupi sa gilid. Heto yung damit ko kagabi. Pinulot ko yun at nilagay sa pinaggamitan kong paperbag. Tsaka ako lumabas ng kwarto matapos ko siyang tignan pero tulog parin siya.
'Manhid ka ba? Bakit hindi mo naramdaman na umalis ako sa tabi mo?'
Bumaba ako sa sala at nandun na lahat maliban sa aming dalawa. May nanonood, naghaharutan at yung iba ay nagseselpon.
"Good morning guys"bungad na bati ko sakanila kaya napabaling sila ng tingin sakin.
"Uy morning. Bagay pala sayo yung damit." nangiti na papuri ni Donna matapos pasadahan ng tingin ang suot ko.
"Sayo galing ito?" takang tanong ko sakanya.
"Mm. Hindi ko pa nasusuot yan kasi maikli sakin. Sakto lang sayo. Bagay. Diba guys?" nakangiti na tanong niya sa mga kasama namin at tumango naman sila.
'So hindi si Earl ang may dala neto?'
"Thank you. Hehehe"nahihiya na sagot ko. Nag expect pa naman ako na galing sakanya ito.
"Tara, kain na tayo. Ikaw lang yung hinihintay namin. Yung isang loko, mamaya pa gigising yun." yaya sakin ni Dark at nauna nang naglakad ang iba papunta sa dining table niya.
"Una na kayo. Sabay nalang kami" tanggi ko habang nakatingin sakanya.
Nahihiya kasi ako sakanila kaya ayaw kong sumabay sakanila nang hindi siya kasama. Hindi ko pa sila mga kaclose tapos idagdag mo pa yung nangyari kagabi. Kaya mas nahiya ako.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Narrativa generaleWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...