Natapos ang exam noon pero hindi nangyari yung date napag-usapan namin kasi pumasok siya sa internship nila. Naghalf day lang pala ang paalam niya para makapagtest. Nagtext siya sakin na nauna na siya. Kaya pagkatapos kong magtest diretso uwi na ako. Nagpasundo ako kay Mama bago siya pumasok sa work. Tutal naghalf day siya edi mag half day din ako. Kesa mabagot sa bahay kakaisip ng pwede kong gawin ay ginugol ko nalang ang oras sa work.Dumaan ang araw na yun ng ganun lang. Walang special na nangyari. Walang nabago. Hindi parin kami nagka ayos.
One month and five days na kaming hindi na nag uusap ng matino. Sakanya yung one month, akin yung five days.
So anong balak niya? Hindi ko alam kung anong balak niya. Kung bakit natatagalan niya na ganito kami. Alam ko naman na may mali ako eh. Tanggap kona. Pero ano ba talaga ang balak niya?
Gagawin din niya yung ginawa ko sakanya? Mag one month din niya akong hindi kakausapin?Nagtetext ako sakanya sa araw araw. Ewan kolang kung binabasa niya kasi walang reply. Nagchachat din ako pero sineen niya lang. Minsan nga biniro kona siya na Seenlord pero hindi naman siya nagreply. Hindi siya nag uupdate kung nasaan siya. Minsan lang. Pero kapag alam niyang may chance na mag alala ako ay nagsasabi siya sakin,nagpaalam siya. Tulad nung nagtest nga kami.Pero alam ko naman na laging nasa ojt siya. Tumatawag ako sinasagot niya pero hindi naman siya nagsasalita. Tapos nung nagvideocall ako sakanya. Binigay niya lang kay Ellie kaya nagkwento nalang kami ni Ellie about sa mga bagong movie na pinapanood niya ngayon pati narin ang mga cartoon na napanood na niya. Kinumbinsi ko nga si Ellie na ibigay sa Kuya niya yung tawag pero ayaw niya talagang makipag usap sakin.
Sobrang hirap lang na gusto kong maging maayos kami pero ayaw kong paulit ulit na walang natuto sa amin sa mga pagkakamali na nagagawa namin. Na magpapatawaran pero umulit parin naman kami. Pero---miss kona siya. Gusto ko ng bumalik kami sa dati.
Yung about naman sa shooting training ko ay mas gumaling na ako ngayon kasi nga nagpapractice ako, madalas kapag Saturday ng hapon ay dun ako tumambay. Susunduin niya ako sa amin. Hinatid ako doon pero maliban dun wala na. Para nga siyang driver sa dating na yun eh. Kasi susunduin niya ako tapos ihahatid. Kasi nga wala daw ibang pwedeng gumawa nun maliban sakanya. Iiwan niya ako dun tapos si Dawn nalang ang mag uupdate sakanya kapag tapos na niya akong turuan. Tulad ng dati ay nakablindfold parin ako at hanggang ngayon hindi ko parin alam ang daan papunta dun kasi minsan parang maiksi lang dinadaanan namin pero madalas ay mahaba yun. Ewan ko kung dahil sa patakbo niya ng sasakyan o dahil sa malayo talaga yun akala kolang malapit.
LUMIPAS ANG ARAW NG-
-M ⚪A⚪R⚪T⚪E⚪S
-M⚪I⚪Y⚪E⚪R⚪K⚪U⚪L⚪E⚪S
-H⚪U⚪W⚪E⚪B⚪E⚪S
Hanggang sa umabot yun ng BIYERNES!
Heto na yun.
May hinanda ako na something. Sana magustuhan niya at maging okay na kami dito. Nagpaalam ako kay Mama na hindi ako papasok sa araw na ito. As in whole day kaya kahapon ay tinapos ko ang lahat ng dapat kong ipasa na mga dokumento.
Nga pala. Tinitrain nila ako ngayon para mailipat daw ako sa HR department ng company namin kaya simula nung pumatak ang Marso ay nililipat at iniikot nila ako sa iba't ibang gawain ng mga nasa HR Department. May konting background naman ako sa kung paano ang recruitment process ng mga company dahil napag aralan namin yun. Kaya kahapon ay nilagay nila ako sa Timekeeping task. Kung paano nilang ikinompute ang oras na base sa sasahurin ng isang empleyado. Hindi yun ganun kasalamuot kasi more on encoding lang at analyzation ng mga pinasang mga Time Card ng empleyado namin. Dapat din maging keen to details ka kasi minsan may ibang mga empleyado na mapagsamantala. Yung tipong absent sila tapos dun sa Time card nila ay present sila. May iilan din na nalate na nga tapos ang ilalagay pa din ay yung sakto sa oras. Pero may biometrics naman kami kaya nahuhuli parin ang mga ganung bagay na ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...