Maraming nangyari, maraming nabago pero isa lang ang tagumpay na masasabi ko. Sa journey na ito natuto ako. Natuto akong maging matapang na hindi sa lahat ng oras ay may kasangga ako sa laban. Natuto ako na sa bawat aking padapa ay hindi doon matatapos ang karera ng buhay.
Tumayo ka!
Lumaban ka!
Labanan mo sila!Gamitin mo ang mga kakayahan na pinagkaloob sayo at natutunan mo.
Nung mangimbansa ako na kasama ni Kuya ay natutunan kong talikuran ang marangyang buhay na kinarasnan ko, marangyang buhay na kilakihan. Nung una akala ko hindi ko kayang mag isa. Ang maging independent kasi wala akong alam sa mga gawain bahay, hindi ako marunong magluto panigurado masunog ang ulam ko noong una. Yung hotdog naging tutong at yung itlog naman ay naging asin sa sobrang alat. Hindi ako marunong maglaba, nagkasugat-sugat muna ang kamay ko bago ako matuto at ngayon ay gumagamit na ako ng gloves para hindi ako masugatan. Hindi ako marunong magplantsa ng damit. Sobrang daming gawaing bahay ang hindi ko alam gawin noon. But thru the process, thru experience in life lahat pwede mong matutunan at hindi isang prebilehiyo ang pagkakaroon ng marangyang buhay para lang hindi mo dapat maranasan ang mga yun.
Nung lumayas ako sa amin at nakisama para maging kapamilya ang ibang tao. Masakit man sa parte ko na iiwan ko ang magulang kong nagtaguyod sakin ng ilang taon para sa pansarili kong kagustuhan pero yun ang nakita kong paraan para mas maging matatag ako. Para maitama ko lahat. Para mas maging independent ako at hindi umasa sa supporta na binibigay nila. Ang pagtataguyod ko ng sarili kong buhay ay isang patunay na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Sa metaporang pananaw man o sa realidad. Na kaya ko palang gawin ang mga bagay na hindi ko naiimagin na nagagawa ko nung mga pnaahon nakadepende pa ako sakanila.
Sabihin man ng iba na mayabang ako sa aspetong yun pero yun ang totoo. Dadating tayo sa punto ng buhay natin na mapipilitan kang lumayo para matuto. Na hindi lahat ng oras ay magdedepende tayo sa mga magulang natin dahil tulad nila limitado lang ang buhay na meron tayo sa mundo. May mauuna at mahuhuli pero kailangan mo lamang maging matatag. Para maging ikaw.
Lumayo man ako pero dala ko parin sila sa isip at puso ko. Parte parin sila ng katauhan ko. Parte parin sila ng nakaraan at kasalukuyan ko. Parte parin sila ng dugo na nalalaytay sa katawan ko. Hindi ko yun mabubura kailangan.
May punto din sa buhay natin na minsan kailangan pala natin sanayin ang mga sarili natin na masaktan. Na sobrang sakit at hirap na dinanas mo sa buhay ay naging manhid kana pero may puso parin naman. Naging manhid kana sa mga bagay na alam mong darating ang panahon na tatawanan mo nalang at kakalimutan pero mag iiwan yun ng malaking marka. Isang malaking sugat sayo para tuluyan kang magtanda. Darating ka sa punto ng buhay kung saan mapapatanong ka. Paano nga ba ako babangon? Kakayanin mo nang bumangon? Pero sa totoo ay alam mo kung paano. Alam mo. Pero takot kalang. Takot at puro what if ang nasa isip mo. Hindi mo magagawa kung hindi mo susubukan. Hindi mo makakaya kung wala kang lakas.
Lahat ng bagay na akala mo totoo unpisa sa bandang huli pala ay tinatago lang sayo para hindi ka masaktan ng todo. Lagi nating inisip na para sa ikakabuti ng iba mas mabuti na maglihim kanalang o gumawa ng white lies. Minsan mali din yun kasi madalas na nagiging masakit ang kahihitnan ng ganung scenario. Lahat ng bagay ay may rason. Lahat may marugtong na salita. Hindi natatapos ang isang storya sa isang comma lang. Hanggat wala kapang nakikitang tuldok sa dulo ng lahat ng letra. Sa dulo ng bawat stanza at paragraph. May pag asa pa. May makalaan pa na bukas at may patutunguhan kapa na bagong landas. Maghintay at magtyaga kalang.
Sa journey na kasama ko si Earl. Marami akong natutunan. Tawa, sakit, halakhak at pait. Magagandang memorya na iniwan niya at inimbak niya sakin napilit kong babalikan. Siya ang patunay ng isnag kataga na
" One woman is enough for a One Gentleman." Siya at siya ang magpapatunay ng katagang yan. Alam ko yung hirap na dinanas niya nung mga panahon na masyado pang isip bata ang aking katauhan na hindi ko inisip kung nakakasakit o nakaramdam na ba yun isa pero inintindi niya ako. Pinagbigyan niya ako.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...