029:

211 11 1
                                    

Writing makes me, calm.
Writing makes me, feel alive.
Writing makes me,forget that real worlds cruelty.
Writing makes me, who I am.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Habang nasa byahe ako papunta sa bahay nila kuya. Para sana ibalik itong auto niya ay pilit kong sumasagi sa isipan kon ang tanong ng lolo niya. Ano nga ba ang maiisagot ko dun? Alin ba ako dun sa dalawang yun option niya nung gabi na ginawa ko yun sakanya?

"Ayos lang humalik sa noo tanda nun ng respeto. Pero yung halik sa labi iho. Anong palagay mo dun? Pwede sinadya o nadala lang ng emosyon noh? Hahahaha."

"Ayos lang humalik sa noo tanda nun ng respeto. Pero yung halik sa labi iho. Anong palagay mo dun? Pwede sinadya o nadala lang ng emosyon noh? Hahahaha."

"Ayos lang humalik sa noo tanda nun ng respeto. Pero yung halik sa labi iho. Anong palagay mo dun? Pwede sinadya o nadala lang ng emosyon noh? Hahahaha."

Paulit-ulit ang tanong ang tanong na ito sa utak ko, para siyang sirang plaka na pilit akong binubulabog habang nagmamaneho. Umiling ako at muling  itinuon ang paningin sa kalsada.

Kung sinadya ay hindi pwede yun sakin dahil panigurado ako na hindi ako yun. Hindi si Earl ang ganung klase ng lalaki. Sobrang laki ng respeto ko sa mga babae kaya hindi ko magagawa yun.

Kung nadala na sa emosyon  ay pwede pa? May chance?

Naalala ko yung ginawa ko nun.

["Ikaw lang yung una at huling babae na hahalikan ko sa labi sa tanang buhay ko Vianna" panghuling usal ko.

And I gave her a peck of kiss on the lips before I  leave the place with a smile in my face]

Natapos ko siyang hinalikan ay nagsisi ako. Kasi mali! Mali Earl! Alam ko sa sarili ko na nadala lang ako sa emosyon ko. Nadala ako sa emosyon ko.... na halos isang linggo akong walang  balita sakanya. Isang linggo akong nag deactivate ng mga account at nagmukmok kasi akala ko ayaw niya talaga sakin. Akala ko tapos na talaga lahat. Akala ko binagsakan na ako ng isang malaking karma.

Sobrang hirap kasi sa puso na nagkaroon ka ng pag-asa... tapos ay biglang lalagapak. Mas masakit mag move on. Yung pakiramdam na nagkaroon kayo ng connection o komunikasyon tapos biglang mawawala. Yung mapasaya ka niya ng ilang araw, buwan o linggo man yan tapos mawawala nalang parang bula. Yun ng binigyan ka ng tsantya ng pagkakataon para huminga tapos ay bigla kang nilagutan ng kalaban. Kaya palagay ko ay nadala lang ako sa emosyon ko, kaya nagawa ko ang kagaguhan na yun.

Excitement na makita siya ulit.
Excitement na makausap ulit siya.
Excitement na naging maayos kami.
Halu-halong mga emosyon napagdala sakin para magawa ang bagay na yun
Ang mawala sa katinuan at mahalikan siya ng wala sa oras.

Nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga inuutos ko kay Dark para lang matauhan ako.

FLASHBACK

Pagkatapos ko sa bahay nila Vianna.
Matapos ko siyang halikan sa labi.
Tinext ko si Dark na pupunta ako sa bahay niya.
Nung una ay nagtaka pa ang loko,kasi naman alas-dose ng gabi tapos pupunta ako sakanya.
Ngunit kalaunan ay pumayag din.

Si Dark lang mag isa sa bahay niya kaya madalas kaming tumambay dun kasama ang buong myembro ng CM (Crescent  Moon) para magchill sa bahay niya. Uminom, maglaro basta mag hang out.

Anong hitsura?

Moreno ang balat, hindi singkit pero hindi rin bibilugin ang mata...yung sakto lang. Walang ibang lahi. Purong pinoy. Taga Cavite siya pero ayaw niyang umuwi sakanila kaya bumili nalang ng bahay dito sa Laguna. Tutal daw dito naman lagi yung gig namin. Matangos ang ilong at may nunal sa kilay.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon