▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫Hiniga ko sa kama ni Ellie at kinumutan siya pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto para bumalik sa baba. Nang marinig ko nag uusap pa sila Mama at Vianna. Lumihis ako sa tangkang paglapit sakanila at umupo sa hagdan namin. Natatakpan yun ng pader kaya hindi nila ako makikita.
"Atleast kahit papaano ay kinakampihan ka niya anak. Namamagitan siya sa inyo para hidni tuluyang masira ang pamilya niyo. Pilit niyang binubuklod. Pero bat ba lagi kamg sinasaktan ng ama mo? Madalas ka bang gumawa ng mali na kinakagalet niya o may nagawa kang isang bagay na kinasama ng kalooban niya kaya hanggang ngayon ganyan parin ang trato niya sayo?" rinig kong wika ni Mama. May humikbi. So umiiyak siya?
"Yung pangalawang choice niyo po ay tama. May nagawa po ako na kinasama ng loob niya.... Tanda ko pa ho nung High school ako ay pinagbawalan niya po akong makipag-jowa kaso nga lang po nagkamabutihan kami nung isa kong kaklase na lalaki. Naging magkaibigan po kami. Kaibigan lang po....kaya nga lang po ay iniba ng mga pinsan ko ang tunay na istorya namin. Sinabi nila kay Papa na nakita nila kaming n-naghahalikan,.... naghaharutan sa skul, nakikipag-inuman na ako sakanila at naninigarilyo na rin po at sabi pa nila kaya napabayaan ko po ang pag aaral ko at hindi ako nakakakuha ng mataas na grado ay dahil dun. Pero ang pinakamalala po ay sinabi nila kay Papa na may nangyari samin nung lalaki yun"humihikbi na usal ni Vianna. Kakayanin ko bang marinig lahat ng rebelasyon na ito? O mas mabuti na umalis nalang ako?
"Pero lahat po nun ay walang katotoohanan. Lahat po ay gawa-gawa lang nila kaso hindi parin po ako pinakinggan ni Papa. Nawalan na siya ng tiwala sakin... kasi simula po pagkabata palang daw po ay sinungaling na ako. Na wala ng lumabas sa bibig ko kundi puro sinungaling na lamang. Ang sakit po sa pakiramdam na pilit pinatutunayan mo yung sa sarili mo sa isang tao na walang tiwala sayo. Na pilit mo pong iniipon yung tiwala niya sayo kaso wala parin. Wala po akong pakialam sa sasabihin ng iba sakin. Kahit gaano pa po kasama yan. Kahit gaano pa po kasakit. Kakayanin ko yun......Kasi in the first place po ay hindi sila ang nagluwal sakin, hindi sila ang nagpapalaki, hindi sila ang nagbihis at nagpapakain sakin at hindi sumupporta sa pangangailangan ko.....Kaya wala po silang karapatan na husgahan kung ano ako. Kasi hindi ko naman po sila pamilya." dugtong niya. Gusto kong lumapit sakanila pero hindi ko yata kaya makita siyang umiiyak ng harapan.
Biglang tinambol ang puso ko sa mga naririnig ko mula sakanya. Paano mo pa sasaktan ang ganitong klase ng tao kung ganyan na pala ang pinagdaraanan niya sa buhay.
Na ngayon kolang mas naintindihan ang sinasabi ni Ate na 'kung hindi kapa sigurado sa nararamdam mo ay wag mo ng ituloy kasi masasaktan mo lang kapag hindi mo yan napanindigan' ngayon lang luminaw sakin lahat. Pero paano kung nabitawaan ko na ang salitang yun sakanya kanina?! Kakayanin ko ba ang sugal na ito? Kung pati siya ay nasa binggit na ng sugal kapag sinuko ko ang laban? Bigla akong kinakabahan. Kung tama ba talaga ang ginagawa ko ngayon.
"Si Mama at Papa, Sila lang... sakanila lang, sa mga parents ko dun po ako may pakialam. Sa saabihin nila sakin dun po ako may pakialam kaso nga lang po lahat ng yun ay negatibo at bilang sa daliri ko ang positibo. Sobrang nakakapanghina po." patuloy niya. Aminado na hindi kapa buo ngayon Vianna. Basag na basag kapa. Pero paano ko pupunuin yun kung sila lang ang makakapuno nun. Ang magulang mo sila ang dapat magpuno nun at hindi ako.
"Anak, alam ko na mahal mo sila. Pero minsan hindi rin masama na piliin ang sarili mo diba? Hindi naman nakakaselfish yun diba? Hindi lahat ng feedback nila about sayo ay pwede mong tanggapin. Pwede kang mangatwiran. May karapatan kang mangatwiran basta nasa tama ka. May karapatan kang sagutin sila basta nandun parin yung respeto mo. Ayos lang sumagot kung minsan. Hindi ka mapapasama sa paggawa nun. Hindi ka magkakasala sa Panginoon. Malay natin yun ang makakapagbukas ng mga mata nila. Na mali sila. Na sumusobra na sila."rinig kong advice ni Mama. Pero yun ang mahirap gawin kasi sobrang bait niyang tao Ma. Hindi niya kayang gawin yun kasi mas pinipili niyang manahimik nalang at kimkimin yung sakit kahit na hindi na nakaganda sa kalusugan niya. Yun ang mahirap sakanya.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...