043:

282 11 9
                                    


▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Dumiretso kami sa bahay ni Dark at nag inuman nga yung mga boys. Kaming mga girls ay nagkukwentuhan dito sa loob at  uminom  din pero ako bawal kaya juice lang. Nag uusap si Niña at Donna nang biglang magvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko yun at tumayo.

"Oh saan ang punta mo gurl?" sita sakin ni Donna kaya bumaling ako sakanya.

"Sa labas lang may phonecall ako" sabay taas ng phone ko para ipakita sakanya

"Okay sige. Balik ka ah. Kwentuhan pa tayo"nakangiti na sabi niya at tumango naman ako.

"Sagutin kolang. Saglit lang"paalam ko at tumango silang dalawa ni Niña.

Lumabas ako sa garden kung nasaan ang mga boys at uminom pero nakasalubong ko si Earl na may dalang buffallo wings at galing siya sa loob. Sarap yata nun. Naglaway ako bigla.

"Bakit lumabas ka?" dinig kong tanong niya habang nakatingin ako sa hawak niya.

"Phonecall." ismid na sagot ko.

"Sino? Mama mo?" usisa niya kaya binalingan ko na siya ng tingin. Tumingala pa ako ng konti kasi tangkad niya.

"Hindi si Liel"

"Liel? Anong kailangan niya sayo?" biglang seryoso na tanong niya.

"Ewan ko nga eh." patanong na sagot ko. Hindi ko rin alam bakit siya tumatawag sakin.

"Sagutin mona sige" utos niya kaya pinindot kona ang answer button nun.

"H-Hello Liel?" kabado na tanong ko kasi hindi ko alam kung bakit talaga siya tumatawag.

"*Hik* Hik* Hi Vianna" sinisinok na sagot niya kaya napatingin ako kay Earl.

"Teka umiiyak kaba?" tanong ko.

"Hindi sininok lang kasi nakainom ako"wika ni Liel pero taka padin akong nakatingin kay Earl. Umiinom na naman siya?

"Bakit ka napatawag? May problema ba?"

"A-Ah. Hahaha. Paano ko ba sasabihin sayo? Hahahaha" parang nag-aalangan na sagot niya. Sabay na kumunot ang noo namin ni Earl.

"Anong sasabihin mo?" usisa ko.

"Ahh kasi. Kasama mo ba si Earl?"tanong niya kaya napaturo ako kay Earl. Nagtataka din siyang tinuro ang sarili niya.

"Earl? Bakit naman?"tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Earl.

'Anong kailangan sayo ni Liel?'

"Ahh wala naman may sasabihin lang sana ako. Hindi ko kasi siya matawagan."sagot ni Liel kaya nilayo ko ang phone ko sakin at bumulong kay Earl.

"Hinahanap ka" bulong ko sakanya pero sinenyasan niya ako na wag sabihin na kasama ko siya.

"Hindi ko siya kasama eh."sagot ko kay Liel at takang tumingin kay Earl. Bakit nagsisinungaling ka magkasama tayo? Si Liel lang naman yun ah.

"Sure ka?"paniniguradong tanong ni Liel habang hindi ko maalis ang tingin ko kay Earl.

"Hmmm. Oo" may pag-alinlangan na sagot ko.

"Okay sige. May sasabihin lang sana ako about sa internship namin. Pabayaan mona baka may iba ng nagsabi sakanya. Sige Vi. Thank you."

"Okay. Wag kang magpapalasing ulit ah"paalala ko sakanya bago niya ibaba ang tawag. Humarap ako kay Earl na nagtataka parin.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon