▫️▫️▫️▫️▫️▫️▫️✨VIANNA POV✨▫️▫️▫️▫️▫️▫️
"Mama may mga taong nakauniporme ng itim sa labas. May mga dala po silang baril."
"Mama natatakot po ako."
"Mahal anong gagawin natin? Sino ba sila?"
Naalimpungatan ako sa pagtulog mula sa maiingay na naririnig ko sa labas. Nagkuskos ako ng mata at bumangon mula sa kama. Lumabas ako ng kwarto.
"Ano pong nangyayari? Bakit po ang sumisigaw sina Yangyang."tanong ko at tinignan ang mga bata na namumula ang mga mata habang sinisinok. Halata na takot sila.
"Iha,may tao sa labas ng bahay. Nakauniforme ng itim at may hawak silang mga baril. Hindi namin alam kung sino sila."nanginginig na sabi ni Nanay Minyang. Napaisip ako habang hindi maalis ang paningin sa bata.
"Nasaan po Tatay Felicio?"baling na tanong ko kay Nanay Minyang. Luminga sya sa paligid.
"Nandoon siya sa tabi ng pinto. Baka kasi buksan nila ito."wika niya sa nanginginig na boses. Napatingin ako sa direksyon ng main door pero nahaharangan yun ng aparador.
"Dumapa po kayo."mahinahon na wika ko.
"Huh?"gulo-gulong tanong ni Nanay Minyang.
"Just, dumapa kayong lahat. Takpan niyo ng mga bata o pumasok muna kayo doon sa kwarto."utos ko habang nakatingin kay Justyn. Pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ko ang gamit ko. Nakakulong na sa loob ng kwarto ang dalawang bata ng lumabas ako.
"Iha,bakit may ganyan ka?"takot na tanong ni Nanay Minyang habang nakatingin sa hawak ko.
"Anong gagawin mo?"garalgal ang boses na tanong ni Justyn.
"Sa palagay ko kilala ko sila."usal ko. Tinago sa likod ko ang hawak kong gamit. Pinagmasdan nila akong mag-ina na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Pero baka saktan ka nila."alalang tanong ng matandang babae sakin. Lumingon ako kay Justyn tsaka muling bumaling sa magulang niyang babae.
"Hindi po, alam kong ako ang pakay nila. Kaya pumasok na kayo sa kwarto para hindi kayo masaktan"pangungumbinsi ko sakanila.
"Nay pumasok po kayo sa kwarto."
"Pero anak."
"Sige na Nay. Sasamahan ko Vianna at si Tatay. Pumasok na po kayo sa loob"
"Wag na. Ikaw din pumasok kana doon sa loob."
"Sasamahan kita."sagot niya at hindi na ako nakipagbangayan pa. Kinasa ko ang baril na hawak ko. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sakin. Naglakad kami at nadatnan namin si Tatay Felicio na nasa pinto at nakasilip sa may bintana.
"Iha, ano yan"kabadong tanong niya din sakin. Oo matagal na ako sakanila pero ni minsan ay hindi ko pinakita sakanila ang bagay na ito. Alam ko kung gaano sila kabait na mga tao kaya expect kona na ganito sila magreact ngayon sa hawak ko.
"Ako po ang kailangan nila. Dito nalang po kayo ni Justyn. Lalabas po ako."
"Iha, sigurado ka ba?"
"Opo. Kaya sige na po. Pumasok po kayo sa loob at pakiusap po wag kayong lalabas."
"Pero paano ka?"
"Kaya ko po ang sarili. Just, hawakan mo si Tito at wag kayong lalabas."utos ko sakanya.
Unti unti kong binuksan ang pinto habang sinisilip ang mga taong nasa labas ng bahay nila. Pito katao na may hawak na mga baril. Lumabas ako ng todo habang nakatutok sakanila ang baril ko.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...