▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫✨DAWN POV✨▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Lumipas ang isang taon. Nagpapaplano na ng kasal sina Dark at Donna. Sina Dusk at Nina naman ay engage na kakapropose lang ni Dusk kahapon. Tinulungan naming siyang magset up para sa pa surprise niya kay Nina. Never kong inimagine na maging ganito kaloyal ang mga loko dahil tulad ko mga tarantado din sila dati at si Earl lang talaga ang hindi babaero sa aming apat. Nahawa kay Mint. Sa susunod na linggo na ang kasal nila kaya busy ang mga tropa ngayon para naman tulungan si Dark. Naka limang taon din sila. Akalain mo nga naman tumagal ng ganun. Hanggang ngayon hindi pa namin alam kung nasaan yung dalawa. Kung nakikita ba sila.
"Dre darating kaya sila kahit hindi natin sila binigyan ng invitation?"
"Palagay ko malabo. Pero sana dumating sila para buo na ang tropa."
"Sana nga. Miss kona talaga si Tukmol. Ano na kayang nangyari doon."
"Hay sana nga."
"Ikaw kailan mo balak humanap ng babae jojowain mo?"
"May anak na ako dre."mahina na wika ko. Oo, nabanggit kona sakanila yung lagay ko.
"Ano? Gago mo. Paano nangyari? Wag mo nga akong pinagloloko diyan."natatawa na wika ni Dark
"Meron nga dre. Hindi kolang mahanap."
"Gago mo! Nakatrip ka naman."usal na naman niya. Natatawa parin.
"Hindi trip ito dre. Totoo"sabi ko sakanya. Nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Seryoso ka?"sabay nilang tanong. Tumango ako ng dalawang beses. Nagtinginan sila at bumaling sakin.
"Paano? At sino? Bakit hindi mo ipakilala sa amin"si Dusk.
"Nawawala dre."
"Anong nawawala?"gulat na tanong na naman ni Dusk.
"Iniwan ako. Bago sakin ang ganito. Madalas ako yung nang iiwan pero ngayon ako yung iniwan."
"Paano mo nalaman na ikaw ang ama. Kala ko ba malabo dre."
"Yun din ang alam ko pero sigurado ako na ako ang ama nun kasi ako lang ang gumalaw sakanya. Pero ngayon nilayasan ako. Ang tagal ko ng hinanap siya."
"Pero dre paano nga?"pangungulit nila.
FLASHBACK
Pagkauwi ko kasi ng condo nung nanggaling ako kila Dark para uminom kami ay nadatnan ko siyang natutulog sa sofa sa unit ko. Oo, naiwan ko din dito yung card ng unit pero may hawak naman akong susi para magka-access pa din ako sa loob. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa pisngi kaya nagising siya.
"Sir, kumakain kana po." namumungay ang mata na tanong niya. Lumayo ako sakanya at tumayo patalikod na sana ako ng niyakap niya ako mula sa likod.
"Sir, please lang maawa kana po sakin, hindi kona alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko po kayang makita ang pamilya na sa kalsada matulog. Masyadong bata pa po ang mga kapatid ko para danasin yun. Alam mo naman diba sir na kaya ako lumuwas dito ay para makatulong sakanila. Kaya please sir maawa kana sakin. Gagawin kopo lahat tulungan molang ako." umiiyak na wika niya habang nakayakap sakin. Napangisi ako sa huling sinabi niya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sakin pero ayaw niyang kumawala mula doon.
"Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?" tanong ko sakanya. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi siya sumagot kaya inalis kona naman ang kamay niya pero mas hinigpitan niya pa ang kapit niya.
"Opo, lahat po ng gusto mo. Gagawin ko. Tulungan molang ako sir. Maawa kana po sakin." wika niya. Kaya desidido na ako sa naiisip ko.
"Bitawan mo ako at sumunod ka sa kwarto" wika ko kaya bumitaw siya. Doon nagsimula ang lahat. Ang lahat-lahat ng dapat maganap.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...