Your smile is like a flame that keep me sane.
Your heart is like a fireworks that keep me burst on fire whenever your around.▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Earl POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Pagkadating sa bahay ay nagdatnan kong naghahapunan sina Mama at Elica. Adobo at iba pang mga putahe ang ulam namin.
Kuya, how's the day?" sambit ni Elica habang may hawak na ham sa tinidor niya.
"Ayos lang" at pumunta na ako sa sink para maghugas ng kamay. Kumuha na rin ako ng plato para saluhan sila.
"Can you make kwento, what happen. Mama told me that you're with ate Vianna" sambit niya at nabigla naman ako. Si mama talaga hindi makapagtago ng sikreto.
"Ang kulet ng kapatid mo. Tanong ng tanong sakin kaya nairita ako nabanggit ko tuloy"untag niya sabay peace sign. Aisssh ano pa bang magagawa ko! Nasabi na niya sa madaldal na ito.
"Wala ako sa mood magkwento. Pagod ako, next time nalang" pagdadahilan ko. Tinapos ang kinakain ko, naghugas ng kamay at paalis na sana ako sa harapan nila ng marinig ko ang sinabi ni Elica.
"Why are you pagod. Did you make na baby na?" taenang bata ito san niya papulot yung mga ganyang bagay!!
"NO!!" padabog na sagot ko at dumiretso sa taas. Naligo at pagkatapos ay nagpalit narin ng damit. Yung mas maaliwalas.
"Advance Happy Birthday Earl. Ikaw yung may birthday pero ako yung napasaya mo dun sa lugar." paulit- ulit na nag echo ang boses niya sa pandinig ko habang nakahiga ako sa kama. Yung pasasalamat niya. Yung tawa niya. Yung ngiti niya. Yung mukha niyang nag eenjoy. Kung pwede kolang sanang hilingin na itigil ang araw na ito na wag na itong matapos, ginawa kona.
Ayaw ko na namang matulog. Ayokong ipikit ang mga mata ko. Baka mawala siya bigla. Ayoko!▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Vianna POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Sobrang saya ko ngayong araw na ito. Naranasan kong takasan ang lupet ng mundo kahit sa isang araw lang. Sobrang surreal sa pakiramdam. I can feel the true happiness inside me.
Nakaligo na ako at nahiga sa kama ng may bigla akong naalala.
Yung birthday ko. Yung 18th birthday ko.
FLASHBACK
Halos isang linggo kong inaantay na sabihin nila sakin na magbibirtday ako.
Na magdedebut ako.
Kaso wala.
Dumaan ang ilang araw na wala.
Tulad ng napapanood ko sa tv na mala prinsesa lahat ng nag 18th birthday.
Gusto kong maranasan yun.
Kahit hetong year nalang na ito ang ipagcelebrate ko ang birthday.
Kahit heto nalang.
Kahit wag na every year,ayos lang.
Sobrang memorable kasi sa mga babae ang 18th birthday lalo na't ito magiging stepping stone nila bago maranasan ang adulthood.
Kaya gusto kong maranasan yun.Hanggang sa dumating ang araw na yun wala parin.
Walang cake.
Walang handa.
Walang mga tao na nagkakagulo para batiin ako. Wala lahat. Pati sila wala sa bahay. Sarili kong magulang wala sa araw ng kaarawan ko para batiin ako.Tag araw nun. Mayo uno, kaso biglang nagdilim ang kalangitan, biglang umulan at kumulog ang malakas. Takot na takot ako, kasi ako lang mag isa sa bahay kahit si yaya wala. Namalengke siya. Nang biglang nawalan ng ilaw. Nawalan ng kuryente ang buong bahay namin. Sigaw ako ng sigaw. Parang mababaliw na ako kung saan ako pupunta para magtago. Tawag ako ang tawag sakanila. Takot na ako na baka anong mangyari sakin. Nang biglang may bisig na kumabig para yakapin ako. Ang buong akala ko ay siya ang magiging sandigan ko sa dilim, kaso hindi. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at may naamoy ako na nakakahilo at hindi namalayan ay nawalan na ako ng malay. Everything went black.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...