There are times in our lives that we need to face the difficulties to learn how to be strong.
At sa DONKISS galing ang difficulties na yun.
Mashaket pero ipinanganak kang hangin. Hahahaha.▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Hinintay muna naming matapos lahat kumain at pumpwesto na ako sa harap ng mahabang mesa na pinaglagyan namin ng mga regalo. May upuan sa harap nun kaya umupo ako. Abot naman ng kamay ko ang regalo. Isa isa silang nagpila at humilera paharap sakin. Si Earl ang nag-ayos nun hanggang sa pinakalikod na pila. At tumakbo siyang lumapit papunta sa harapan.
"Ready na ba kayo? Kapag tinawag ko ang pangalan ay lumapit sakin ah" usal ko sakanilang lahat.
"YES PO ATE!"
Kumuha ako ng isang regalo. Si Denden ang una.
"Den---" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang hawakan ni Earl ang balikat ko.
"Bakit?" usal ko sabay tingala sakanya. May inabot siya sakin.
"Pamigay mo kasabay ng regalo" wika niya at sabay abot sakin ng isang pitaka. Kinapa ko at matigas ang loob nun kaya panigurado na may laman.
"Ano ito?"takang tanong sakanya habang nakatayo parin siya sa likod ko.
"Buksan mo" utos niya kaya ginawa ko naman. Mga sobre.. pulang sobre na kung tawagin ay ampaw at makapal yun.
"Seryoso ka? Ang dami neto!" tanong ko nanaman at kung bibilangin mo yun ay nasa isang daan.
"Ayos lang. Pamasko ko sakanila." sambit niya at tumingin sa mga bata kaya napangiti na din ako tumingin sa mga bata na nakangiti rin samin.
"Kidss maliban sa regalo ko, may regalo din kayo kay Kuya Earl oh." sabay pakita ko sakanila ang pitaka tapos ay lumingon ako kay Earl at nagtama ang paningin namin. Nginitian niya lang ako.
'Ako yung may balak neto at sumama kalang pero mukhang mas marami kapang nabigay sakin' bulong ko sa isip ko habang nakatingin sakanya. "Thank you" I mouthed on him at tumango nalang siya.
"Upo ka dito. Ikaw nalang mag abot sakanila neto." anyaya ko sakanya. Kasi naman nakatayo lang siya sa likod ko at mukhang balak niyang siya nalabg ang mag abot ng mga regalo sakin para hindi ako mahirapan.
"Okay lang dito nalang ako para maabot ko yung mga regalo sayo. Sige na umpisahan mona." untag niya.
"Sige ako ang mamimigay neto pero upo ka dito" utos ko sakanya habang tinuro ang katabing upuan ko at ginawa naman niya.
"Kidsss, ako ang mamigay neto" sabay taas ng pitaka at tumingin kay Earl "Pero lahat kayo ay iha-hug si Kuya Earl kasi sakanya galing ito" sigaw ko at ngumiti.
"SIGE PO ATEEEEE" sigaw nila pabalik.
Isa-isa ko silang tinawag sa pangalan nila at binigyan ng regalo at nung sobre.
"Mino" sigaw ko at lumapit naman si Chubby Cheeks boy nakangiti samin. Ang sarap pisilin ng mukha niya.
"Regalo at sobre mo. Pero hug muna kay Kuya" utos ko sakanya. At lumapit naman siya kay Earl at niyakap ito nag fist bump pala. "Thank you Kuya" rinig ko bulong niya.
"Welcome Batchoy" at pinisil ni Earl ang pisngi niya. Matapos nun ay lumapit siya sakin at nagpasalamat din matapos humalik sa pisngi ko.
"Jen" tawag ko.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Ficțiune generalăWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...