033:

373 13 2
                                    

The how of how of how! Hello. Haloha!!

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Pumikit ako at natulog na sana. Pero may naririnig ako na dumadaing.

"Aishhhhhh"

"Ahhhhhhh"

Kaya nag-angat ako ng ulo mula sa pagkakahiga at nakita ko si Earl namimilipit habang nakatalukbong sa kumot. Bumaba ako sa kama at naglakad papunta sa tinutulugan niya.

"E-Earl?!" tawag ko sakanya kaya nag-alis siya ng kumot. Umupo ako sa gilid niya at tinignan siya. Naluluha yung mata niya at sobrang pula.

"Okay ka lang?" nag-alala na tanong ko.

"Ang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak na" sagot niya sakin habang hawak ang ulo niya at hinimas yun.

'Ano bang pwede kong gawin para maalis yung masakit?'

"Ano ba ang pwedeng gamot diyan?"tanong ko ulit sakanya.

"Tulog! Kaso hindi ako makatulog kasi ang sakit talaga"sabi niya habang nakatampal ang mga kamay sa ulo.

Tumayo ako para maghanap ng pain reliever sa may cabinet ko. Hindi pwede ang gamot baka magka side effect sakanya yun at nang makahanap ako ng isang pwede ay muli akong lumapit sakanya.

"Pwede ba ito?" sabay pakita ko ng pahaba na bote ng pain reliever.

"Ano yan?" tanong niya at tinignan ako.

"Pain reliever na pamahid....tapos malamig kapag naipahid mona sa balat" paliwanag ko.

'Ganun kasi ang alam kong epekto nun. Sana lang tama ang pagkakaintindi ko.'

"Sige nga itry mo. Tangina hindi na talaga iinom ng hard drink!! Aishhhhh" at namilipit nanaman siya sa sakit.

'Ganun ba talaga kasakit yun?'

Lumipat ako sa ulo niya kaya huminahon naman siya. Binuksan ko ang bote nun at nagsalin sa kamay ko tapos ay pinagkiskis yun para kumalat atsaka nilagay sa noo niya at minasahe yun.

"Malamig ba?" tanong ko habang dumudungaw sakanya.
Tumango lang siya habang nakapikit.
Pinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa ulo niya kahit na humihikab na ako. Inaantok na talaga ako. Pero paano ito kapag umalis ako dito? Kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagmamasahe sa ulo niya. Hindi na siya umimik kaya palagay ko naging okay ang pakiramdam niya. Tatawagin ko sana para itanong kung okay na siya pero nakapikit na eh. Kaya hindi ko nalang siya tinawag.Dapat kasi hindi nalang uminom ng alak ganyan tuloy nangyari sayo.

Nang marinig ko na humihilik na siya at inihinto kona ang pagmamasahe sa ulo niya at pumunta sa harapan niya para makita kung tulog na nga siya. Winagayway ko ang kamay ko sa harapan ng pisngi niya at nang hindi siya nagresponse... ibig sabihin ay tulog na siya.

Lumapit ako ng konti sa mukha niya.

Ang haba ng pilikmata niya.

'Kakainggit'

Yung kilay buo parang sa babae

'Kaya maganda na bakla ito eh'

Matangos din ang ilong kahit hindi man pointed pero may shape.

Yung pisngi niya panglalake pero kapag minake-upan mo ito ay magmumukhang babae sigurado.

Teka may nunal siya sa ilalim ng mata?

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon