056

48 2 0
                                    

"Araaaaaaaaay" hiyaw ko.

Nagising ako. Literal na nagising ang diwa ko ng may tumusok na kung ano sa kamay ko. Napamulat ako ng mata. Tinignan ang kamay ko.  Ang sakit. Piniga-piga ko ang hintuturo ko kung saan ako natusok.

Nilibot ko ang mata sa kwarto pero wala si Earl sa tabi ko. Nasaan na yun? Muli kong nilibot ang mata ko. Hinahanap ang bagay na tumusok sakin. 

May bulaklak. Limang piraso ng pulang rosas. Yun pala ang tumusok sakin. Dahan dahan akong bumangon at inabot yun. Kinuha ko sa may tangkay kung saan wala akong tinik na mahahawakan. Inamoy ko yun. Ang bango. Amoy ng pabango niya. Todo akong bumangon para tignan kung nasa banyo siya. Kaso wala hanggang sa mapagdesisyunan kong  naglakad papunta sa veranda.

"Hmmp"pinalo ko siya sa likod. Nakatalikod kasi. Naghahanap na naman ng nakabikini yan. Ke aga-aga anu-ano namang tinatanaw niya dito. Kainis!

"Bakit namamalo ka?"tanong niya pagkaharap niya. Nakakunot pa ang noo.

"Aga-aga naninigarilyo ka"sita ko sakanya. Napatingin naman siya sa hawak niya. Umiiling. Ni hindi pa kami kumakain naninigarilyo na siya. Bad!

"Ang aga-aga namamalo ka." sagot niya pabalik at naglakad papunta sa upuan sa labas ng veranda. Tinusok sa ashtray ang sigarilyo niya tsaka pumikit.

"Hoy"mahina na sigaw ko sakanya.

"Oh bakit?" usal niya. Nagmulat ng mata.

"Para saan yung bulaklak?"takang tanong ko. Pumikit ulit siya.

"Kailangan ba laging may dahilan para magbigay ng bulaklak? Diba sabi mo kailangan kitang ligawan."sagot niya habang nakapikit. Lumapit ako sakanya. Tinignan ang hawak kong bulaklak. Oo nga. Sinabi ko yun pero bakit kailangan pa neto?

"Pero boyfriend na kita."maktol ko. Naguguluhan parin. Lumapit ako sakanya at umupo sa mga hita niya. Hindi naman niya yun pinansin at nakapikit parin siya.

"Edi balik tayo dun sa ligawan stage para maganda."mahinang sagot niya. Pinalo ko siya sa braso. Nagmulat siya ng mata at takang tumingin sakin.

"Earl naman. Para saan nga kasi ito?"pangungulit ko pero walang imik. Pumikit ulit siya.

Ayaw pa kasing sabihin eh. Hindi naman namin monthsary ngayon. Nagmulat siya ng mata kaya nagkatitigan kami.

"Para dun nga. Hindi lang naman porket magjowa na bawal ng magbigay ng bulaklak. Ayaw mo? Akin na itatapon ko—"wika niya sabay agaw ng bulaklak. Hinigpitan ko ang hawak dun.

"Gusto ko. Araaay ko."reklamo ko habang nakahawak parin sa bulaklak kaya natinik na naman ako. Sayang yung pera. Itatapon lang niya. Baliw ba siya.

"Aangal pa kasi."sagot niya. Pinalo ko siya.

"Araaayy nakakadalawa kana ah."reklamo niya.

"Bakit kasi dun mo nilagay sa tabi ng kamay ko. Natusok pa tuloy ako. Nakadalawa na din. Parang may tinik yata."wika ko habang nakatingin sa kamay ko.

"Akin na aalisin ko. Malay ko bang mahahawakan mo"usal niya sabay kuha niya ng kamay ko at tinignan yun. May tinik nga pero maliit-liit lang. Pinisil niya yun para daw maalis niya yung tinik kaya napadaing ako.

"Masakit kasi. Pinipiga mo"reklamo ko sakanya matapos kong higitin ang kamay ko palayo sakanya. Ang sakit ng pagpiga niya.

"Paano maalis yan kung hindi ganun ang gagawin ko? Gusto mo ng karayom ang pang alis ko"sermon niya.

"Ayaw ko."

"Yun naman pala. Tignan mo nalang ako sa mukha para hindi mo maramdaman yung sakit. Wag mong titignan yung kamay mo."utos niya kaya tinignan ko nalang ang mukha niya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa kamay ko. Effective nga. Hindi ko masyadong ramdam yung sakit. 

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon