045:

407 12 9
                                    


▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

February 14 (Friday).....

Naging maayos naman lahat kami after nung nangyari kina Dark. Ganun katatag ang pagkakaibigan nila. Walang makakatibag nun.

Pero naiinis ako kasi simula kaninang umaga wala man lang siyang text or kahit call sakin. For Peter sake naman oh, Valentine's Day ngayon!!

Nakabreak ako ngayon sa work kasi lunchtime na. Inaway ko siya kahapon kasi tinotopak ko.

Bakit trip ko eh? Hehehe.

Buong week akong busy kasi nag aaudit sila dito sa company namin. Halos alas-nuebe or alas-diyes na ako ng gabi nakakauwi kasi kailangan naming pumasa sa audit na yun.

Parang background check sa lahat ng papeles ng mga tauhan namin, meron din silang tsinecheck kung sumusunod kami sa pagbabayad ng buwis, sa mga environmental regulations ng gobyerno. Na nagpapatupad ng mga batas nangangalaga ng kalikasan para malaman kung may masama bang naidudulot ang mga produkto namin sa kalikasan.

Once a year lang yun. Tapos sumabay pa ang tinawag nilang cycle count para sa lahat ng existing items na hawak ng company namin. Tsinecheck nila kung nagtatali ang mga nabebenta namin sa mga pumasok na pera na kinikita ng company namin para malaman kung palulugi na ba yun o hindi o kaya naman ay kung may nanloloko ba sa amin at ninawakan ang company namin.

Sobrang pagod ko, takbo dito, gala doon ang ginawa ko buong magdamag na nasa loob ako nf company... idagdag niyo pa na mainit ang ulo kapag meron ako. Sumabay pa siya, namiss kona siya tapos hindi niya man ako pinuntahan nung isang gabi na nirerequest ko na puntahan niya ako sa bahay. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi siya sumagot.

FLASHBACK

Feb 12!

Kakatapos lang namin mag-ayos ng mga gamit at mga papeles, ayoko kasi magulo kong dadatnan ang desk ko pagpasok ko kinabukasan. At pasado alas-onse na nung matapos kami kasi bukas ang pinakalast na pag-auudit sa amin kaya bawal na may pumalya, bawal na kaming magkamali. Mahirap na baka makatanggap kami ng notice at kwestyunin yung kredibilidad ng kumpanya namin sa non compliance of paper na dapat pinapasa ng isang company.

Kung susumain mo ay para yung test sa school sa mga schools, at 75% ang passing rate na dapat maipasa ng company para masabi na pwede pang irenew ang succeeding years ng kontrata nun sa industry na kinabibilangan namin.

Nagpasundo ako sa van ni Papsie kasi takot na akong mag commute mag-isa kapag ganitong oras na. Delikado na. Lalo na'y naka-skirt ako baka mapagtripan pa ako ng mga tambay o lasing sa daan.

Saktong pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto kasi wala akong ganang kumain. Gusto ko kasama ko siya kapag kumain ako. Kaya tinawagan ko siya.

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

"Ano ba Endrinal!! Answer that damn call" inis na sigaw ko habang nakatingin sa screen ng phone ko at nagpapabalik ng lakad habang tinatawagan siya. Dati kahit na ganitong oras ay pwede ko pa siyang makausap. Dinial ko ulit ang number niya.

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

"The subscribers cannot be reach. Please try again later"

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon