021:

182 14 2
                                    

Hello mga vakla.
Have a nice day

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

"Aishhhh!"

Ano ba yan!! Bat hindi nanaman nakasara ito ah!! Lagi nalang!! Tch! Ang sarap pang matulog lalo na kapag napuyat ka tapos ikaw na kurtina ka panira ka!! Tapos ikaw na si Haring Araw bat ba lagi ko nalang nakatambay dito kapag umaga na!!

Tumayo ako at hinawi yun matapos ay bumalik ako sa pagkakapikit..... Pero bigla akong napamulat....ng maalala ko ang boses ni Moon.
Yung boses na yun.
Narinig kona dati.
Hindi ako pwede magkamali.

Nang bigla kong maalala yung isa sa wishlist ko. 
Two years ago!! Two yearssss!!
Nung 18th birthday ko.

Tumayo ako... kinuha ko ang diary ko nakatago sa may kainet.  Hinahanap ko kung saang pahina ko naisulat yun. Alam ko nilagay ko sa wishlist ko yun. Napahinto ako sa isang pahina. Heto yun!!

April 30, 2017

"Kung sino ang unang lalaki na makikita ko sa mismong 18th birthday ko ay siya ang magiging unang boyfriend ko"

Yan ang nakasulat dun.
Sinulat ko ba talaga yun?! Hahaha.

[W E I R D! HAHAHAHHA!]

Napangiti talaga ako sa trip ko dati. Kakaiba at hindi kapani-paniwala. Mga ewan. Madalas kasi kapag wala akong makausap dati ay nagsusulat ako sa diary na'to tapos babasahin ko kapag may naalala o trip kolang.
May mga memories na nababalik kahit na masakit at may memories din na masarap balikan.

Pero pwede ba talaga yun?
Na siya yung magiging boyfriend ko ngayong hindi ko kilala kung sino siya?
Matagal na panahon ko ng isulat ito pero hanggang ngayon ay naalala ko parin. Si Eddie,
Madalas ko siyang makita sa mga panaginip ko. Madalas ay nakatalikod siya. Hindi ko makita ang mukha niya.

Binalik ko sa kahon ang diary ko at pumunta sa side table para kumuha ng tubig at inumin yun. Kumalma ako. Pero teka!

Si Earl nga pala!! San na yun?

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa salas. Wala na namang tao.

"Naynay..." tawag ko.

"Oh anak!!" galing siya sa bukana ng bahay namin mukhang kagagaling niya lang mandilig ng mga halaman.

"Si Earl po?"

"Kanina pa umalis anak. Madilim pa nga sa labas. Mga alas-kwatro yata pero nagpaalam naman siya sa mga magulang mo. Sana lang bumaba na ang lagnat ng batang yun at walang impeksyon" paliwanag niya.

"Sana nga po. Pero paano niyo naman po nasabi na nagka- impeksyon siya?"

"Kadalasan kasi ganun anak. Kung hindi nahamugan, naulanan, na dengue o kaya may impeksyon sa ihi. Oh tama na yan. Halika kumain na tayo. Dalawa naman tayo dito." usal niya habang dumiretso sa kusina para mag-ayos ng hapag-kainan namin.

"Sige po. Mamugmog lang po ako"

At umakyat na ulit ako sa kwarto para magtoothbrush at maghilamos ng mukha.
Nagpupunas ako ng mukha ng may nakita ako nakadikit sa salamin ng make up table ko.

"Thank you sa pag aalaga at pasensya na.  Napuyat kapa sakin. Hindi na kita ginising mukhang masarap ang tulog mo. Jusy always remember that no matter how hard life is...just take it easy. Enjoy each phase of your journey and learn from every mistakes. Take it all as a blessing and not a problem!! "

Take care and God bless!!
                                             -Earl

Yan ang nakasulat sa note. So nagpaalam naman pala sakin hindi kolang nakita.
Nagsuklay ako at inayos ang ponytail ko at bumaba na ulit.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon