Hi!! Hellllllllooooooo!!
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Habang naghihintay ako na palabasin ni Earl sa kwarto ay humiga muna ako sa kama at naglaro ng candy crush habang naka earphones. Gusto ko pa naman siyang makita na magpractice at tumugtog ng keyboard pero may pinaghahandaan yata sila. Musta na kaya yung baby? Hindi ako nakapag alam sakanya o kaya naka kiss man lang sa pisngi nung baby. Ano kayang sinabi sakanya ni Mama kanina,? Naipasok ko yung phone ko kasi kinausap naman daw ni Earl yung guard kaya okay lang na dalhin ko ito sa loob. Linggo bukas. Lagi akong nagtataka kung bakit Sabado lang kami pwedeng lumabas na dalawa. Ni minsan ay hindi niya ako inaya na lumabas kami kapag Linggo. Tapos hindi din siya active sa social media kapag Linggo. Madalas gabi nalang kami nag uusap kapag mga ganung araw.
'Weird lang diba?'
Pero guys, kayo alam niyo ba kung anong pinapakain dun sa baby? Nakalimutan kong itanong kanina dun sa ate niya.
Ay teka tawagan natin si Mama. Hahahhaha.
*KRING *KRING* KRING*
"Hello, anak!" pambungad na sagot niya kaya napangiti naman ako.
"Ah Mama, may tanong po ako."
"Ano yun? Tsaka nasaan ka ngayon?"
"Ah mama kanina po kasi may baby dun kina Earl. Tapos sabi po ng ate niya pakakainin daw po yung baby kaya umalis po sila sa kwarto. So Ma ano pong pinakain sa baby? Rice din ba? Curious lang po ako kasi tinatanong ko po si Earl hindi niya daw po alam."
"Hahahahahaa. Anak naman. Hahahahahahaha. Hindi ko maiwasan na matawa sayong bata ka. Wag mo nalang isipin yun. Pabayaan mo nalang ah."
"Pero Mama. Curious po talaga ako. Ano ba kasi yun? Tatanong or magpopost nalang po ako sa fb kung ayaw niyong sagutin sakanila nalang po ako para itanong sakanila."
"Anak wag na! Heto na sasagutin kana ni Mama. Wag ka ng magpopost okay. Wag na." sambit niya at bumuntong hininga matapos ay nagsalita. "Anak ganito kasi. Pinapabreastfeed nila yung baby kapag bata pa or yung milk na nabibili sa store. Ganun yung pinakakain nila sakanila. Okay na?"paliwanag niya.
"Hmmm. Okay na po Mama. Bakit kasi pinakain pa ang sinabi nung ate ni Earl pwede naman palang breastfeed. Hahahhahaa. Okay na Mama. Sige po maglalaro na ulit ako. Ingat po. Ba-bye po"
"Ba-bye din anak. Ingat ka diyan ah"paalam ni Mama at binaba ang linya.
*TOOOOOT TOOOOOT *
Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun. Niluwa nun si Earl kaya inalis kona ang earphone ko at binalik yun sa bag ko. Tsaka ako mabilis na sinalubong siya.
"Love, alam kona yung sagot sa tanong ko kanina. Hahahhahha. Yun pala yun"masaya na bungad ko sakanya at humawak sa braso niya.
"Alin?"takang tanong niya sakin at yumuko ng konti.
![](https://img.wattpad.com/cover/204894900-288-k103018.jpg)
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Fiksi UmumWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...