012:

206 12 0
                                    

😉

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Earl POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Halos isang linggo na akong
No phone.
No social media.
Deactivated lahat ng account ko.
Pinili ko yun para makapag unwind.
Araw-araw pagkatapos ng ojt ko ay dumiretso ako ng Tagaytay.
Dun ako natutulog.
Nga pala isa akong
Nyctophilia
(love of darkness or night, finding relaxation or comfort in the dark)

Parang night person kung ituturing ng iba.

May Allergic rhinitis, din ako kaya hindi ako sanay gumising maaga.  Kaya madalas gising ako kahit madaling araw na pero tulog kapag umaga. Madalas na tulog ko ay alas-dose ng gabi o kaya ala-una o alas-dos.

(also known as hay fever, is a type of inflammation in the nose which occurs when the immune system overreacts to allergens in the air. Signs and symptoms include a runny or stuffy nose, sneezing, red, itchy, and watery eyes, and swelling around the eyes.)

Kaya sinanay ko yung sarili ko hindi nagigising ng maaga, kasi kapag maaga akong nagising susumpungin na ako ng allergic ko, maalis lang yun kapag tirik na tirik ang araw. Kaya madalas alas-onse ako ng umaga nagigising at late natutulog sa gabi.

Yung lumang phone ko ang ginagamit ko ngayon at dun naka insert ang sim ko.

Sabado ngayon, isang linggo na ang nakaraan simula nung nag away kami. Away nga ba? O  misunderstanding lang? At kasalukuyan akong nasa "De Gracia Psychiatric Clinic" May isang tao akong naisipan na puntahan muna dito. She's close my heart kahit hindi kami madalas magkita.

(Knock knock knock)

"Pasok bukas yan" wika niya. At pumasok ako.

"Oh bat nandito ka? Namiss moko?" masungit na usal niya. Sabay beso ko sakanya.

"Ang ganda naman ang bungad  mo sakin. Yan na ba ng usong batiin ngayon, Ate" usal ko sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Miss ko nga siya. Antagal na niyang hindi umuwi sa bahay.

"Hoy bata ka umayos ka nga. Hindi ako mahinga sayo" sabay tapik niya sa balikat ko kaya humiwalay na ako sakanya.

"Oo na. Painom ah" wika ko at kumuha ng  baso at lumapit sa dispenser niya sa loob ng office niya.

"Bat ka nga nandito? Alam ko may kailangan ka  kaya nanggugulo ka ngayon dito." galit na naman tanong niya. Nagtataka na talaga ako kung paano naging psychiatrist ito. Laging mainit ang ulo at tinotopak.

"Bawal ba? Aalis na ako" tumayo na ako kaso pigilan niya ako.

"Doc, nandito na yung client niyo" biglang sambit ng assistant niya habang nakadungaw sa pinto.

"Papasukin mo sige" wika ng ate ko matapos ay hinarap ako.

"Kulang ka sa tulog. Pumasok ka muna dun sa additional office ko sa likod at matulog, mamaya tayo mag usap" utos niya sakin kaya sumunod nalang ako kaso bago ako makarating dun ay narinig ko yung sinabi niya.

"Hello Ms. Villaluna"wika ng ate ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang at nakatago ako ng konti dun sa pader sa pagitan office niya. Villaluna? Si Vianna? Bat nandito si Vianna? Magkakilala sila ni ate?

Nagtago ako at umupo sa pader. Sinandal ko dun ang likod ko para makinig sa usapan nila. Sorry pero may gusto akong malaman. Kaya pasensya na sa pakikinig.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon