65:

43 2 1
                                    

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐VIANA POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Can I seat here?"tanong ng isang tao sa tabi ko. Hindi ako lumingon. Hindi ako sumagot. Wala akong gana.

Nandito ako ngayon sa park. Kakauwi kolang kahapon galing sa ibang bansa. Anong nangyari sa ibang bansa?

FLASHBACK

Naayos kona lahat ng mga papel na kailangan ko sa pagreresign. Umalis ako ng condo ni Dawn at sinabi na maghahanap na ako ng apartment na pagtutuluyan ko pero hindi yun totoo. Kasi pinuntahan ko siya, iniwan ko dun ang mga gamit ko at siya ang tumulong sakin para  magkapasa ako ang resignation letter sa mga dating pinagtrabahuan ko.Siya ang naghatid sakin. Nakiusap ako sakanila na kung pwede ay hindi na ako magrender ng 30 days or kahit 15 days man lang. Alam konh bawal ang ganun kasi kailangan mo talagang magtagal muna doon para makahanap sila ng kapalit ko pero wala eh. Hindi kona trip ang magtrabaho tsaka hindi na pwede kasi may iba na akong balak. Pagkatapos naming mapasa lahat yun at pumayag na sila sa bandang huli. Nagpunta kami kina Nanay Felicio. Pumasyal ako saglit doon para makita ang mga bata. Nakipaglaro at nakipagkwentuhan dinb ang konti.

"Hindi ka naman nagsabi na bata ka na dadalaw ka pala. Wala pa kaming ulam"

"Ayos lang po. Busog din po ako."

"Ano nga palang ginagawa mo dito Vi?"

"Uh inayos ko yung resignation ko sa mga pinagtrabahuan ko. Mahirap na baka masira pa ang record ko kapag hindi ako nagpasa ng resignation letter at bigla nalang umalis ng walang paalam"paliwanag ko. Tumango naman si Rustyn.

"Saan ka niyan? Sa Laguna parin ba? Baka pwede ka naming dalawin ng mga bata."

"Hindi ako sure. Kasi hindi ako umuwi ng bahay namin. Umupa lang ako ng apartment."

"Nga pala wala na bang umaaligid dito sa inyo? Wala na  bang nanggulo?"

"Wala naman. Ayos naman kami."

"Rus, una na ako. May pupuntahan pa kasi ako. Pumasyal lang talaga ako dito sa inyo."

"Hmm sige. Magpaalam ka muna sakanilang lahat"

Pumasok ako sa loob ng kwarto ng bata at humalik sakanila bago umalis. Yumakap naman sila sakin. Mukhang nasanay na sila na wala ako. Sunod ay pumunta ako kila Nanay Minyang na nasa likod bahay. Nagpaalam din ako. Hinatid nila akong lahat sa labas ng bahay nila.

Hindi na ako nagtagal kasi kasama ko siya at hindi siya bumaba ng kotse. Baka mainip pa. Kumaway ako sakanila habang papalapit ako sa sasakyan niya. Ngitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik. Patakbo akong lumapit sakanya. Namiss ko siya ng sobra.

"Hello."

"Hi."

"Tara na."yaya niya . Tumango lang ako. Heto na. Babaguhin kona ang lahat dito.

"Mabait ba sila?"

"Sobra. Kaya nga hirap nilang iwan."

"Mabuti naman kung ganun. Nagbigay nga pala ako ng konting pabuya sakanila. Sa pagkupkop at pagtulong sayo. Hindi ko lang alam kung mapapansin nila yun"

"Grabe ka talaga. Pero salamat. Kahit naman ako gustong gusto ko silang bigyan ng tulong bilang pasalamat lang pero alam mo naman hindi naman ako bigtime."

"Wala yun. Wala ba akong yakap diyan bilang pabuya man lang."

"Meron syempre."inalis ko seatbelt ko at sinide hug siya habang nagmamaneho. May bigla akong naalala wa sa ganito scene. Napangiti ako ng bahagya.

"Oh ano yan?"

"Wala." kumalas ako ng yakap sakanya at binalik ang seatbelt ko. Inayos ko rin ang sarili ko. Hindi siya nagsalita nakatuon lang sa kalsada ang paningin niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasama ko siya.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon