038:

207 10 2
                                    

Eight we fall
Nine, we feel.
Ten, I fall inlove with you.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Dumiretso ako sa supermarket para bilhin ang mga pasalubong ko para sakanya. Sana lang magustuhan niya. Sana okay lang sakanya na simple lang ito. Bumili din ako ng paperbag para dun ilagay lahat ng pinamili ko.
Halos isang paper din yun matapos ay umuwi na ako sa bahay para maghanda. Inabot ako ng dalawang sa paglilibot sa mall kanina. Naghintay pa ako ng konti kasi saktong kakabukas palang nun.

"Oh anong ginawa mo?" tanong ni Mama habang nasa kusina ako.

"Sandwich po. Ma, may juice powder po ba tayo diyan?" sambit ko habang nagpapalaman ng mga tinapay na dadalhin ko.

"Meron. Kumuha ka nalang sa tukador diyan."

"Sige po. Ma, baka hindi po ako agad umuwi mamaya. Bonding lang. Hahaha"nangingiti na paalam. Sana pumayag siya.

"Ikaw ang bahala basta mag-ingat ka sa pagdadrive mo ah. Teka saan ba ang punta niyo? Hindi ba kakauwi niya palang or pauwi palang siya?"

"Mm..opo. Dun lang po kami sakanila. Kaso bonding nga lang po"

"Anak, may pakiusap sana ako sayo"

"Ano po yun?" tanong ko sakanya at itinigil ang ginagawa ko para makatingin sakanya.

"Pwede hinay-hinay muna kayo sa relasyon niyo. Enjoy niyo muna yung mga ganyan. Gusto pa kasing makasama ng mas matagal eh" sambit niya sabay yakap sakin mula sa likod.

'Si mama talaga'

"Ma, pareho pa ho kaming may maraming gustong gawin sa buhay. Alam ko rin po may iba pa hong plano sa buhay si Vianna maliban sa mga ganung bagay kaya wala po kayong dapat ipag-alala. Tsaka andito parin ako sa tabi niyo kahit anong mangyari ma. Wag po kayong mag alala" malumanay na paliwanag ko sakanya habang nakangiti.

'Alam ko ang punto niya..madalas kasi sa mga kabataan ngayon ay pagkatapos ng college ay nag aasawa na'

"Kuya can I have one?" sabat ni Ellie habang nakaturo sa mga sandwich na gawa ko.

"Yeah sure" sagot ko.

"Thankie. Mwuah" sambit niya sabay sampa sa upuan para halikan ako sa pisngi. Inipit ko naman siya sa kili kili ko  kasi marumi ang kamay ko.

"You're Welcome baby"

"Umakyat kana sa taas at mag ayos. Sige na ako magtutuloy ng ginawa mo." utos ni Mama sakin at pinagpatuloy ang pagpapalaman ko ng mayonnaise sa mga tinapay.

"Sige po. Thank you" huling usal ko at tumakbo papunta sa sink para maghugas ng kamay atsaka na ako dumiretso sa taas para maligo. Kumuha ako ng jacket at pants matapos ay dumiresto sa banyo. Pero habang naliligo ay napapa-isip ako sa sinabi ni Mama kanina.

"Pwede hinay-hinay muna kayo sa relasyon niyo. Enjoy niyo muna yung mga ganyan. Gusto pa kasing makasama ng mas matagal eh."

Hindi naman talaga ako nagmamadali ah. Siguro sa paningin nila ay oo pero sa sarili ko ay hindi pa ako nagmadali. May iba pa akong gustong maabot maliban sa pagtatapos ng college at binabalak ko pang makapasa sa CSE para may lisensya na ako. Matapos nun ay kung sakaliman ay balak kong mag masteral sa course na ito. Kaso may iba pa akong gusto. Gusto kong maging totally na singer in the future at kasama ko siya. Isang duet concert namin kaya hindi po ako nagmamadali sa mga ganung bagay.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon