01

61 2 0
                                    

PARK

Vianna POV

Pumayag siya na samahan ako kahit saglit lang. Hindi kami close ni Earl, ni hindi nga kami magkaibigan. Naging magkaklase kami nung nasa college pa ako kaso irregular student siya.
Transferree kasi sila ng barkada niya or mga classmate niya ata mula sa isang City College sa aming probinsya. Ang dinig kong reason ay may iilang subject daw na hindi available sa school nila kaya mas pinili nilang magtransfer. Nga pala, isang state university ang school na pinasukan ko at isa rin ito sa mga eskwelahan na sikat sa probinsya namin.

Ahead kami ng mga kabatch ko ng one-year kina Earl, kasi nga po may mga hindi nacredit at may iilang subject din na  hindi available every semester especially kung mga pre-requisite yun ng coming semester na tinatake nila kaya ngayon ay nagdagdagan sila ng one year bago sila gumgraduate.

'Paano ko nalaman yan?
Kasi po nagpakilala silang lahat nung first day nila at  yan mga guidelines sa school namin.  Maliban dun wala na akong alam tungkol sakanya.'

"Sasamahan kita, pero pwede bang hintayin mo'ko diyan? May pupuntahan lang ako. Babalik din ako" usal niya na nakapagbalik sakin sa ulirat. Tumango ako kaya mabilis na siyang naglakad na paalis. Taka akong sinundan ang likod niyang papalayo.

'Saan ba siya pupunta? Totoo kaya na babalik pa siya? Sasamahan niya ba talaga ako?

Kesa mag-isip kung babalik ba talaga siya o hindi.

Bumalik nalang ako sa loob ng simbahan at  tulalang pinagmasdan ang mga imahe na nasa harapan ko, sobrang tahimik ng paligid pero yung takbo ng mga ideaya sa isip ko ay walang pigil. Sobrang daming laman ng isip ko na gusto kong mailabas. Mga katanungan na tungkol sa sarili ko na hindi ako alam kung saan ko mahahanap ang sagot. Kung may sagot  ba talaga. May mga bagay na gusto kong ikwento sa iba pero alam kong wala naman silang pakiramdam. Wala namang makikinig sakin.

Matagal akong tulala na pinagmasdan ang mga yun hanggang sa tuluyan ng pumatak ang luha ko.

'Is this how my life should be?

Too complicated

Alam ko na marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ako napadpad dito sa may simbahan. Kakagaling ko lang sa isang job interview at kamalas-malasan ay hindi ako natanggap, halos mag-iisang buwan na akong naghahanap ng trabaho kaso wala parin. Ang hirap nung maaga kang gigising para pumunta sa tinext nilang sayo detalye ng interview, yung inaral mo ng mabuti yung posisyon na on-hiring nila, yung pakiramdam na inihanda mo yung sarili mo para sa araw na yun tapos....pagkaraan ng ilang oras na pakikipag usap, pagpapakilala mo sakanila ay sasabihin nalang sayo na

"Ma'am tatawagan nalang po namin kayo."

Hanggang sa umabot ka ng isang linggo kakahintay ng tawag nila pero wala. Walang tumawag at umaasa kalang.

Puro nalang tatawagan. Puro nalang ititext. Hindi naman katext at kacall ang hanap ko. TRABAHO!! TRABAHO ANG HANAP KOOOO!!!

Kaso hindi lang yun eh. Minsan ay umaabot kapa sa punto na mapapaisip ka. Ano ba ang kulang sakin kung bakit ayaw nila akong ihire? Ano ba ang mali sa mga sinagot ko? Hindi ba talaga ako fit para sa posisyon na yun?

Ang hirap. Sobrang hirap na nakakadrain at kukwestunin mo ang kredibilidad mo bilang isang title holder ng isang kurso pero wala kang mahanap na matinong trabaho.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon