028:

194 12 5
                                    

Ganun talaga hindi lahat ng tao pwede nating iplease? Hindi lahat ng gusto natin pwede masunod. Basta alam mo sa sarili mong wala kang inaapakan na tao, wala kang nasasaktan, wala kang niyuyurakan ang pagkatao. Ituloy mo lang. The one who care will always UNDerstand you

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Umalis ako. May kinuha lang. Sa harapan ng tahanan ako dumaan para hindi hassle. Pero pagbalik ko ganito na ang nangyayari.

"EARL!! MAGPAKITA KANA PLEASE!! OO NA! unang sigaw niya pero hindi ako nagpakita sakanya.

Sinenyasan ko ang mga bata na wag silang maingay. Ngumiti naman silang lahat habang si Vianna nakatayo sa harapan nila at nakatalikod sakin.

"EARL!! OO NA!! SIGE NA!! PWEDE NA!!" muling sigaw niya habang nakaharap sa mga bata. Kaya hindi mo ko makita eh kung saan-saan ka nakatingin!!

"Hoy bawal ang maingay dito!!" natatawa na biro ko sakanya at unti-unti siyang napaharap sakin na nabibigla. Parang nakakita na multo. Hahaha.

"HAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ng bata kaya napangiti naman ako.

"E-Earl?!" nauutal na sabi niya habang nakatingin ng deretso sakin.

"Mmm...Bakit ba kasi sumi----"

*HUK*

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko. Tumatakbo siyang lumapit sakin at sumampa paharap sakin at niyakap ako.

NIYAKAP AKO NG MAHIGPIT. Nasakal ako uy!

"Huhuhu...Kala ko umalis kana."naiiyak na usal niya habang nakayapos sakin. Nakapalupot ang mga binti niya sa bewang ko. Niyakap ko sa kanang kamay ko ang beywang niya para hindi siya mahulog. Ang likot pa naman.

"Huy may mga bata!! Nakikita tayo" sita ko sakanya. Pero walang epek! Hindi man lang natinag.

"Okay lang yan. Kanina pa sila nakangiti sakin habang ako umiiyak dun" reklamo niya. Parang bata!

"Ang childish mo. Sige na baba na! Nakikita tayo nila Sister sa gilid oh!!" sabi ko habang nakatingin sa gilid at nandun nga sina Sister at nakangiti samin. Nahihiya ako ngumiti din.

"AYIEEEEEEEEE"

"Si ate oh"

"Ihhhh kinikilig ako. Ang sweet nila"

" Uyyyy sila na!!!"

Rinig kong tukso ng bata pero hetong babae na nakayakap sakin ay ayaw paring bumitaw.

"Vianna?!" malambing na sabi ko at tapik siya sa balikat.

'Huy bumaba kana. Nahihiya ako lalo. Hindi magandang ehemplo sa mga bata. Baka magalit pa sina Sister sa ginawa natin' bulong ko sa sarili kong isip pero hindi ko masabi sakanya baka magalit pa.

"Ayokong bumaba. Mas mahihiya ako. Ikaw kasi..kasalanan mo ito alam mo ba yun?!. Matapos mong magtapat bigla kang nang iiwan. Huhuhu" naiiyak at naiinis na usal niya habang tinago pa ang ulo sa balikat ko. Pilit sinisiksik sa tabi ng leeg ko para makapagtago.

'Sino mas clingy ngayon ah?'

"May kinuha kasi ako kaya ako umalis." nakangisi na sabi ko. Ang sarap sana ng ganito tayo pero may nakatingin oh tapos mga bata pa.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon