▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ DAWN POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Nagpapahinga ako sa condo nang may bigla tumawag sakin.
"Hello dre."usal ko sa phone. Si Dark.
"Nandito na ako sa labas ng bahay nila Vianna. Dito siya dumiretso pagkagaling niya sa tagaytay."
"Anong balita diyan?"
"Nagsisigawan sila sa loob. Hindi ko alam kung anong nangyari. Sandali dre. Teka sandali dre. Sandali lang. Pucha. Si Moon buhat nila."
"Ano? Pucha anong nangyari sakanya?"
"Nahimatay siguro. Balitaan ko kayo. Wag mong ibaba ang tawag. Lalabas lang ako ng subdivision para masundan sila. Mukhang pupunta silang ospital. Nandito na si Vianna."
"Huh? Paano nilang nahanap?"
"Ewan basta balitaan ko kayo. Teka lang." huling sabi niya at businahan na ng mga sasakyan ang naririnig ko sa background. Mukhang mabilis din ang patakbo niya.
"Dre musta?"
"Malapit na kami. Sumunod nalang kayo. San Felipe Medical Hospital ang ruta namin."
"Sige. Sige sasabihin ko si Dusk." Kinuha ko ang isang phone ko para matawagan si Dusk ng hindi binabaan si Dark.
"Dre. Pumunta ka sa San Felipe Med Hospital. Sinugod doon si Moon"
"Anong nangyari? Kala ko ba sinusubayan ni Dark?"
"Oo nga. Basta dumiresto kana dun. Nasa byahe na din ako. Nauna na si Dark dun. Doon nalang tayo magkita."
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko para agad akong makarating doon pero kinakabahan ako. Wala pa kaming makontak sa pamilya niya at hindi ko rin alam kung may alam na ba sila. Kung may sinabi na ba si Dark.
Pinarada at mabilis akong bumaba ng sasakyan pagkadating ko doon. Sabay lang kaming dumating ni Dusk kaya kumaripas na kami ng takbo papasok sa hospital.
"Dre"
"Nasaan na?"
"Nasa loob na."
"Oh tara na."
"Miss, yung lalaki po nabaril at sinugod dito. Kaibigan niya ho kami."
"Nasa ER po sir. Diretso lang po kayo sa hallway na ito tapos kanan po" sabi niya kaya nag unahan nakaming tumakbo papunta sa sinabi niyang lugar. Nadatnan ko namin dun si Vianna kasama ang isang lalaki na medyo matanda.
"Vianna"tawag ko sakanya. Lumingon siya at tumakbo papunta sakin. Yumakap.
"Dawn"umiiyak na tawag niya sa pangalan ko. Hinaplos ko ang ulo niya.
"Anong nangyari?"tsaka ako nagtanong. Nag angat siya ng ulo pero hindi rin sumagot.
"Nabaril siya ng Papa niya. Nagkagulo sila sa bahay nung dumating ako. Pero hindi ko alam kung paano nagsimula."
"May natawagan po sa mga magulang niya."
"Apo meron na ba?"tanong ng lolo niya sakanya at umiiling naman siya. Nagkatinginan kami nina Dark at Dusk.
"Saan po ba ang tama?"
"Sa may dibdib"
Napamura ako sa isip ko nung marinig ko ang sagot niya. Bakit doon pa kung saan delikado? Nilayo ko sa pagkakayakap sakin si Vianna at ginayak siya papunta sa Lolo niya. Tumingin ako kina Dark.
"Sino po ang kamag anak ng pasyente?"
"Uh wala pa ho dito. Pero mga kaibigan niya po kami. Pwede po na kami?"
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Fiksi UmumWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...