Education is the key to success.
So mag aral ka ng mabuti. Wag puro Ts at watty ah.▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐Liel POV.⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Hindi naman ako masyadong lasing pero sumakit lang talaga ang ulo ko.
Hindi talaga ako malakas uminom kaya agad akong tinamaan ng pinagtutungga ko yung nakahapag na alak harapan ko.At sumabay pa ang puso kong nadudurog kapag nakikita ko si Earl at Vianna,kaya pinilit ko nalang matulog.
Have you ever felt that?
I know that some you can relate to it
Longing for someone to have an attention for you but nope. Destiny is a big fucked up.
It hurts and keeps on hurting everytime.
He use to be my first crush...erase erase. First love rather. *sob sob*Naramdaman ko nung buhatin ako ni Earl palabas ng bar habang nag uusap sila ni Vianna. I just have to pretend that I'm still asleep. For his attention. A simple attention. Simpleng atensyon pero umaasa ang puso ko.
Hanggang sa maisakay niya ako sa kotse. He laid me down in the backseat and I heard them both talking outside the car. And I'm still pretending and observing the situation.
Hanggang sa marinig ko na tumili si Vianna kaya napadilat ako. Nasa loob na pala kami ng sasakyan. Nakapahiga ang upuan niya at nadampa ng konti sakanya si Earl at parang may inaabot. Balak niya ba itong halikan? Pinikit konalang ulit ang mata ko ansakit sa paningin ng nakita ko.
Nang tuluyan na naming binabaybay ang daan pauwi. Nagkukwentuhan sila habang ako nakikinig lang. Saklap diba? At kalaunan ay huminto kami. Palagay ko nasa bahay na kami kaya pumikit na naman ako.
Nakitang kong pareho silang bumaba. Si Vianna ang nagdoorbell habang si Earl naman papalapit sa backseat door kung nasaan ako.
"Liel....liel" wika niya sabay tapik sa balikat ko. At minulat ko naman ang mata ko.
"Nandito na tayo sa inyo. Kaya mo bang tumayo mag isa?" tanong na naman niya pero umiling ako kaya inalalayan niya akong makaupo at pababa ng kotse. Nang maisipan ko magpanggap akong natutumba.
"Ohh ingat!" mabilis na nakalapit sa amin si Vianna para alalayan din ako. Sinukbit ni Earl ang kamay ko sa leeg niya para bigyan ako ng supporta sa pagtayo kaya binatawan na ako ni Vianna. Yumuko nalang ako ng makita kong lumabas si Mama.
"Good evening po, classmates po kami ni Liel. Ako po si Vianna. Siya naman po si Earl. Pasensya na po medyo nalasing po kasi Liel kaya hinatid na po namin. At natagalan din po kami kasi nagbonding lang po" mahabang paliwanag ni Vi kay mama. Ang bait niya talagang tao kaya ang hirap agawan kahit gusto-gustong ko itong may hawak sakin ngayon.
"Ayos lang yun anak. Halika kayo at pumasok muna kayo sa bahay namin. Mukhang lasing na lasing ang anak ko. Unang beses niyang nalasing ganito ah" sabay haplos sa mukha ko ni Mama. Gusto ko ng maiyak pero pinigilan ko. Tama siya unang beses lang ito.
Pumasok kami at narinig kong magpaalam si mama para kunan sila ng maiinom.
Pero bago siya makaalis sa tabi namin biglang nagsalita si Earl."Tita, ako na po mag aakyat sakanya sa kwarto. Tutal nakabukas naman po yung pinto nun" alam niya ang kwarto ko kasi nga dito kami madalas gumawa ng thesis nun. At minsan dito na sila natutulog.
"Sige anak salamat ah." usal ni mama.
"Tulungan kita?"biglang tanong ni Vianna.
"Wag na kaya ko naman. Upo kana muna diyan" wika ulit ni Earl. Grabe ang caring niya pagdating kay Vianna. Sana nga lang ramdam yun ni Vianna. Pero mukhang malabo kasi may pagmanhid siyang babae. Yun ang mas nakakasakit lalo. Kung ako nalang sana edi masaya kami ngayon.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Fiksi UmumWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...