▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫✨VIANNA POV ✨▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫Kinabukasan.....
"B-Bakit nandito ka?"utal na tanong ko sakanya. Pagkalabas ko ng bahay ay nasa labas siya. Ang aga pa. Anong ginagawa niya dito? Hindi rin siya nagtext sakin na pupuntahan niya ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Hindi siya nakauniform na pang ojt.
"Musta na ang pakiramdam mo?"tanong niya. Napatulala akong tumingin sakanya. Namasa ang mata ko sa tanong niya. Natouch ako kasi concern siya. Napayuko ako at napakagat ng labi. Ayokong makita niyang naiiyak ako.
Naalala ko parin kasi yung nakita ko kahapon na ginagawa sakanya. Nag aalala ako pero ayoko siyang tanungin.
"Love, musta ang pakiramdam mo?" ulit niya pa. Mabilis akong yumakap sakanya.
"Napaano ka? Bakit?"aligaga na tanong niya sakin. Inaalis niya ang pagyayakap ko para masilip niya ang mukha ko pero mas binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Okay lang ako. Wag ka ng mag alala."pangungumbinsi ko. Suminghap siya ng malalim.
"Pero bakit umiiyak ka? Napaano ka? Masakit pa ba ang tyan mo—" umiling ako kaya napatigil siya sa pagtatanong.
"Bakit umiiyak ka kung hindi na pala? Sabihin mo yung totoo para madala kita sa hospital."
"Okay na ako."sagot ko. Hinawakan niya ang balikat ko at nilayo ng konti sakanya.
"Bakit umiiyak ka kung okay kana pala?"makulet na tanong niya sa mismong harapan ko. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko at pinusan niya ang pisngi kong napatakan na ng butil ng luha. Bawal akong magsinungaling kundi mahuhuli niya ako.
"Okay na nga ako" sabi ko at pilit na siniksik ang sarili ko sakanya. Niyakap ko siya. Yung mahigpit. Sobrang higpit.
"Ilipat mona sakin lahat ng mga masakit na nararamdaman mo pls. Pls Earl!!" bulong ko sa isip ko.
Nag-alala ka sakin samantala hindi mo inaalala ang sarili mo. Kainis!! Lagi nalang siyang ganyan. Pakiramdam ko hindi kona siya deserve. Masyado na siyang mahirap maabot sa mga ginagawa niya para sakin. Ni hindi ko man magawang tumbasan o kahit ang pantayan lang yun. Nakakainis na nakakaiyak ang pagmamahal niya.
"Ikaw okay kana?"tanong ko't tumingala matapos kong magpunas ng mata. Nagkatinginan kami.
"Bakit napaano ba ako?"pabalik na sagot niya. Hinaplos niya ang ulo ko hanggang sa makarating ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Baka kasi hindi ka rin okay?"patanong na wika ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang yakap-yakap niya ako.
"Okay ako. Maaga lang talaga akong pumunta dito para icheck kung okay kalang. Ano ba kasing nakain mo kahapon na nakapagsakit ng tyan mo?"usal niya. Bumuntong hininga ako. Nag-iisip ng pwedeng gawing alibi.
Nagsinungaling lang kasi ako, Earl. Hindi totoo yun. Yan ang gusto kong isagot sakanya pero ayaw kong magalit siya. Umiiling nalang ako.
"Ewan ko. Hindi ko din alam kasi andami nating kinakain kahapon."pagdadahilan ko. Inaangat niya ang isang kamay niya tsaka inaayos ang buhok ko. Inipit sa gilid ng tenga ko. Ang sarap mong magmahal. Nakabobo, Earl.
Bigla kong naisip lahat ng mga nagawa ko sakanya dati, mga sakit at hinanakit. Mga pagtitiis kong hindi siya kausapin. Mga paninisi ko sakanya. Nanlumo ako bigla sa sarili kong realisasyon sa nagawa ko ang mga yun sakanya. Deserve pa ba talaga kita? Kasi kung hindi na willing na akong pakawalan ka.

BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Ficción GeneralWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...