Chapter 1

124K 1.9K 155
                                    

Ang simula...

Just starting my day with my routine. Everyone has a daily routine, mine? Just a cup of coffee and listening to my favorite music.

Ang elegante ng unang sentence na 'tin. Feeling mayaman lang ako. Actually we're not.

Habang nag-aayos ako ng bag sa school ay tumunog ang cellphone ko, nakita ko agad ang pangalan ni Mama sa screen ng cellphone kaya naman agad ko itong sinagot.

"Hello, Ma?" sagot ko sa telepono.

"Anak, pasensya na nakalimutan kong mag-iwan ng pera sa 'yo. Maaga ako dito sa palengke para magkaroon agad ng benta," sabi ni Mama mula sa telepono.

I just smiled. Knowing na kahit mahirap kami ay never ako kinalimutan ni Mama. I appreciate every hardwork she does for us.

"Okay lang po, Ma. May natira pa akong pera mula sa kahapon," sabi ko.

"Hayaan mo anak, mapapalitan ko rin 'yan. Sige na at may customer na ako," aniya.

"Sige po, Mama," sagot ko at pinatay na ang tawag.

Inubos ko na ang kape na iniinom ko at naligo na.

This is my last year of studying. After nito ay gagraduate na ako. Depende pa kung makakapasa sa demo. I'm soon to be a teacher. Kung papalarin, I'm getting the T.L.E major in secondary department.

Nang makapagbihis na ako ng uniporme ay biglang tumunog muli ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng aking nobyo sa screen ng cellphone.

"Naks, hindi ako nakalimutan," bulong ko bago sagutin ang tawag nito.

"Yes? Bakit ka napatawag?" Pag-iinarte ko.

"Uma-attitude ka na naman love. Good morning sa toyoin kong asawa," sabi nito.

Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin sa inaasta niya.

"Hindi mo talaga ako nakakalimutan batiin 'no?"

Masaya akong hindi niya ako nakakalimutan. Paano? L.D.R. kami. Nasa Manila ako at nasa Vigan siya. Sobrang layo ng pagitan naming dalawa at sa mga panahong ito busy din kami dahil pareho kaming graduating student.

"Ikaw 'yong una kong naiisip paggising ko at ikaw pa rin ang dasal ko bago ako matulog. So, paano kita makakalimutan?" tanong niya.

"Bwisit ka love! Sana hindi ka magbago. 2 years na tayo pero hindi ka pa rin nagsasawa sa 'kin," sambit ko.

"Napaka-negative mo, 'wag mo isipin 'yan. Hintayin mo at magkikita din tayo once na makagraduate ako," sabi nito.

"Thank you, Nhel. I love you," ani ko.

"I love you too, Myra."

"Sige na, Love. May pasok pa ako. I miss you so much!" sabi ko.

"Oo, mag-iingat ka, Love. Update mo ako lagi ha? I miss you more," tugon ni Nhel.

Pinatay ko na ang tawag at agad na sinakbit ang bag ko. Naglakad na ako at sumakay ng jeep papunta sa unibersidad na pinag-aaralan ko.

"Myra! Nakuha ko na 'yong regalo sa 'kin ni Dad!" bungad sa akin ng bestfriend ko na si Cassandra. Pinakita nito sa akin ang cellphone niyang Iphone 11. Namangha naman ako sa itsura nito pero alam kong nakakalula ang presyo ng phone na 'yon.

"Sana all naka-iphone," panloloko ko sa kaibigan ko.

"Sana-allizm, let's take a photo!" masayang sabi ni Cass.

Sobrang ganda ng camera nito bukod sa sobrang linaw at naka-auto focus pa. Tinago ko kay Cass ang inggit na nadarama ko. Nangako ako sa sarili ko na pag nakapagtapos ako ay magsisikap akong magtrabaho para makaahon kami ni Mama sa hirap. Hindi sana kami ganito kung hindi nawala si Papa.

Umupo ako sa upuan ko at tumingin sa bintana, pinagmasdan ko ang kalangitan. How I wish na kasama pa rin namin si Papa. Namatay si Papa sa Lung Cancer. Hindi kami sobrang hirap noon. May kaya kami dahil si Papa ay nagtatrabaho sa isang factory. Pero kahit pigilan namin siyang manigarilyo ay hindi pa rin siya tumigil. Kaya dahil na rin sa katandaan at sa lung cancer, namatay siya. Third year highschool na ako noong mawala si Papa. Lalo kaming naghirap dahil sa gastusin sa hospital kasabay pa nito ang pag-aaral ko.

Wala akong kapatid because I'm a Miracle baby. Sinabi ng Doctor noon na mahihirapang magbuntis si Mama at 50% lamang ang chansa na magkaanak sila--But then I came. The reason why I recieve lots of love from my parents because I'm a big blessing to them. Kaya din ang pangalan ko ay Myraquel to pronounce as Miracle but the spelling si Myraquel.

Kaya 'eto ginagawa ko ang lahat para makaahon na kami sa kahirapan ni Mama. Tutal kaming dalawa na lang.

"Nandyan na si Sir!" sigaw ng isa naming makulit na kaklase.

"Good Morning, class," bati ni Sir sa amin.

"Good Morning, Sir John," bati naming lahat.

"Okay class take a seat, copy everything I wrote on the board, lahat ito ay lalabas sa exams niyo," seryosong sabi ni Sir.

Kumopya naman ako at nakinig sa discussion ni Sir dahil isa akong mabait na estudyante kahit hindi ako sobrang talino.

It was an awkward moment everytime na nagkakatitigan kami ni Sir John. Simula noong pumasok kami ay may pang-aasar na ang mga kaklase ko sa akin at kay Sir. Ako kasi ang unang nakilala ni Sir sa klase dahil naging class monitor ako noong Third year college. Pero everybody knows that I have a boyfriend kaya tumitigil sila.

I feet something talaga kay Sir kaya ilag ako sa kaniya. Also, because he is a good looking guy. Hindi halata sa kaniya na 30 years old na siya. Hindi ko siya dinidiscriminate pero sabi ng iba bakla daw si Sir dahil wala pa raw asawa.

Dumating ang lunch break at kasama ko pa rin ang nag-iisa kong bestfriend.

"Girl! Bukas na nga pala 'yong kuhanan ng report cards, I'm hoping to get kahit tres man lang," natatawang sabi ni Cass.

"Sa ibang subjects medyo negative ako. I'm trying my best naman kaso mahirap talaga," sabi ko.

"'Yan ang reason kung bakit nag-suicide si Mich 'di ba?" tanong ni Cass.

Napabuntong hininga ako. Dahil sa pag-aaral ay may buhay na nawala. Kaklase namin si Mich. She is a consistent honor student pero dahil sa hirap at pagod. She decided to end her life. Dahil na rin hindi na daw siya nakakaramdam ng saya. Her last note was very sad. Ramdam ko 'yong pain niya kaya siya nagpakamatay.

"Buti na lang ako kinakaya ko pa. Tumitingin pa rin ako sa bright side ng mundo. Tignan mo sobrang bright ng araw at sobrang init! Tirik ang araw jusko!" sabi ko sabay turo sa kalangitan.

Natawa lang si Cass at kinalikot na naman ang bago niyang Iphone. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na naman ang prof. namin na si Sir John kasama ang ibang teachers. Pareho kami ni Cass na magte-teacher and same major din. Because we're sisters by heart.

I texted my boyfriend to keep safe and I reminded him that I love him so much. I'll keep on believing that my dreams will come true!

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon