EPILOGUE
Myra's P. O. V
Habang nandito kami sa isang kubo kung saan nagiging kainan. Panay ang bati sa akin ni John tungkol sa ginawa ko kagabi. Parang hindi raw ako iyon.
"That's my wild side, everyone have that," sabi ko at kumain ng crab.
"Hhmmm! Masarap! Paano kaya nila niluluto 'to? Papaluto ako kay Mama," bulong ko at muling binuksan ang isa pang crab.
Sinipsip ko ito at napansin ko namang nakatitig si John sa labi ko.
"Nga nga! Kain pa!" mataray kong sabi at inirapan siya.
"Pwede ba natin ulitin 'yon? Kapag nakabalik na tayo sa bahay?" tanong niya at tinitigan ako habang kumakain.
"Wala na, may expiration date yung pagiging wild ko," sabi ko at muling kumain.
Napa-pout siya at kinuha ang crab. Napansin kong nag-struggle siyang i-open iyon.
"Tanda mo na, hindi ka marunong kumain ng crab?" pang-aasar ko at kinuha ang crab sa kamay niya saka ito binalatan.
"Kain na baby damulag," sabi ko pa at nilagyan ng laman ang plato niya.
"Pshh! Isang taon na yata akong hindi kumakain ng crab. Alam mo naman ang buhay mag-isa. Tamang cup noodles lang at pancit canton," sabi niya at kumain.
"Paawa ka pa, 'wag ka mag alala! Hindi na kita iiwanan," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Dapat lang... Asawa mo ko e," ani John at binigyan ako ng steak.
"Ede wow," walang kwenta kong sabi.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Inisip ko agad na baka nag chat si Mama. Naka-connect kase kami sa wifi ng resort na 'to, kasama na 'yon sa binabayaran namin.
"Sino 'yan?" tanong agad ni John.
"Wala pa nga e!" inis kong sabi at kinuha sa bulsa ko ang cellphone.
Sinipsip ko muna ang hintuturo ko bago ko iopen ang cellphone. Bumungad sa akin ang isang Email.
"Shit..." bulong ko at nanlaki ang mga mata ko.
"B-bakit?! Ano problema?!" nag-aalalang tanong ni John.
"Nag E-mail sila sa 'kin.... PASADO AKO SA BOARD EXAM! LICENSE PROFESSIONAL TEACHER NA DIN AKO!" sigaw ko sa tuwa at napatayo saka nagtatatalon.
Napangiti rin si John at napatayo saka sumabay sa kasiyahan ko. Nag-apir pa kami ng ilang beses habang nagpapapadyak. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang nakatingin sa amin ang ilang mga foreigners at ibang mga taong kumakain.
"Hehe..." bulong ko at dahan-dahang naupo.
Ganoon din ang reaksyon ni John. Nang makaupo kami pareho ay muli kaming ngumiti at nag-apir sa isa't isa.
"Kain na bilis!" sabi ko at muling kumain.
**********************************
Makalipas ang ilang buwan, napansin ko ang mga sintomas na nararanasan ko na katulad ng pag bubuntis ko kay Garbien.
"Asawa ko?! Wala pa ba!?" bakas ang excitement sa boses ni John.
"Wait!" Sigaw ko.
Nakatitig ako sa pregnancy test na hawak ko. Kakatapos ko lang patakan iyon ng ihi ko. Napasandal ako sa pader at nanlaki ang mata ko nang makitang unti unting lumabas ang pangalawang pulang guhit.
"Ow... My God!" bulalas ko at napahawak sa bibig ko.
Halong kaba at saya ang nararamdaman ko.
"JOHN!" sigaw ko at lumabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...