Myra's P.O.V
"Anak? Anong sabi ng professor mo?" tanong ni Mama sa akin at ngumiti.
Ayokong madismaya sa akin si Mama. Masaya na siya ngayon at ayokong sirain 'yon. It'll be better naman tomorrow.
"Pasado...Mama," sabi ko at niyakap si Mama.
"Yehey! May teacher na ako! Sobrang proud ako sa 'yo anak. Tara kumain ka na muna," sabi sa 'kin ni Mama at pinagsandok ako ng pansit.
Ilang minuto ang nakalipas ay boyfriend ko naman ang nag-text sa akin.
I also said yes, nakapasa ako. Hindi ko na sinabi na nagkaaberya pa. Kailangan kong maka-graduate. Hindi ako pwede umulit dahil nangangailangan na ako ng pera. Wala na rin kaming pang-aral para sa next year.
Sobrang saya ko naman kase feel ko na proud silang lahat sa 'kin. Ang usapan naming ni sir ay mananatiling sa amin lang.
******
Kinabukasan, nang matapos ang klase namin ay naghanda ako ng ballpen at notebook para mag-take note sa sasabihin ni Sir John sa 'kin.
"Beshy! Congrats ulit sa 'yo!" masayang sabi ni Cass at niyakap ako.
"Congrats din ulit sa 'yo. Galing-galing mo napanood ko video mo," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Ako pa ba? Sige na, aalis na ako, may lakad kami ni Mike," sabi nito.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko kilala 'yong Mike na 'yon at wala naman siyang nabanggit pa.
"Ih! Bukas ko na ikukwento sa 'yo," sabi ni Cass at umalis na.
Napailing na lang ako, sobrang dami niya talagang lalake! Hay naku! Wala naman siyang sineryoso sa mga 'yon, puro flings.
Pumunta na ako sa room ni Sir John. Napansin ko din na wala nang mga tao.
"Sir? Nandito po ako para itanong kung ano pong need kong requirements sa inyo," sabi ko at umupo sa upuan na nasa harapan ni Sir.
"Ahh, pero kaya mo ba?" tanong ni Sir na para bang chinachallege niya pa ako.
Tumindig naman ako at tumango bilang sagot sa 'Oo'.
"Gusto mo talagang maka-graduate?" tanong ni Sir.
"Ano ba namang tanong 'yan, Sir. Syempre po, oo. Wala namang tao ang gustong bumagsak sa pag-aaral. Kaya nga po pagsisikapan ko 'yong ipapagawa niyo sa 'kin para makita niyo pong worth it ako ipasa," sabi ko at ngumiti kay Sir.
"Okay," tanging sagot ni Sir at tumayo, lumapit ito sa akin at bumulong.
"Let's have sex, ipapasa kita sa lahat."
Nawala ang ngiti sa labi ko. Kinilabutan ako sa sinabi ni Sir. Hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaniya.
"What?" aniya at nilayo ang mukha niya sa akin. "Akala ko ba willing kang gawin lahat?" natatawang tanong ni Sir.
"S-s-sir..." tanging nasabi ko.
Nakakailang lunok na ako ng laway ko. Gusto ko na lang tumakbo paalis o sumigaw ng tulong.
"Ano na, Myra?" tanong ulit ni Sir.
"Sir, hi-hindi ko p-po kaya," nauutal kong sabi at yumuko.
Napapikit ako ng mariin at napadasal.
"Why? Give me a valid reason," utos niya.
"S-sir, kase p-po--- sh*t naman!" Napamura na ako dahil nahihiya akong sabihin, pero no choice kailangan depensahan ang sarili.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
Roman d'amourPUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...