Myra's P. O. V
Hinatid ako ni Nhel ngayong araw dahil 8 am pa ang pasok niya.
"Ma'am, Ilang buwan na po kayong buntis?" tanong ni Shannon.
"Ahh--mag si-six months na," sabi ko at ngumiti.
"'Di ba po kapag six months malalaman na yung gender?" tanong naman ni Mika.
"Oo," nakangiti kong sagot.
"Anong gusto niyo, Ma'am? Babae o lalake?" tanong ni LJ.
"Hhhmmm," napasalumbaba ako habang naghihintay ng sagot ang mga students ko.
Recess ngayon kaya nagkakagulo sila at nag kukwentuhan.
"Kahit ano. Gusto kong babae at lalake. Sa ngayon kahit ano ang mauna," sabi ko at ngumiti.
"Kapag nanay ka, hindi na mahalaga yung gender. Kase anak mo 'yon, gender doesn't matter," sabi ni Annesay.
"Bakit nanay ka na ba?" pang-aasar ni Ash.
"Nanay ng magiging anak namin," banat ni Ryan.
Nagtilian ang lahat at napatawa na lang din ako.
"Students ah! Baka nakakalimutan niyo yung mga kalat niyo ha? Kapag tamad magtapon ng basura, kainin pati balat," sabi ko.
"Yes, Ma'am!" sabay-sabay nilang sagot.
Napatingin ako sa bintana at nakita ko doon si John. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang naglakad papunta sa classroom niya.
"Psh..." bulong ko at kumain ng biscuit.
Nang matapos ang Recess ay pumunta na ako sa susunod kong klase. Ang grade 7.
"Nandyan na pala si Ma'am Myra. Good bye, class," sabi ni Mam Jillean sa klase niya.
"Good bye, Mam Jillean," sabay-sabay na sabi ng mga estudyante niya.
Lumakad na si Mam Jillean palabas at pumasok na ako ng room niya. Nagsimula na akong magturo, habang nagsusulat ako sa blackboard ay may narinig akong nagkukwentuhan.
"Bagay sila ni Mam Jillean."
"Sino? Yung teacher ng grade 10?"
"Oo, bago 'yon 'di ba?"
"Sir John ata 'yon."
Napatigil ako sa pagsusulat.
"Nakita ko sila ni Mam kanina sabay pumasok ng school"
"May kotse pala 'yon si sir, sana all."
"Hinatid niya ba si Ma'am?"
"Baka nagde-date sila?"
"Magkasama sila do'n sa kotse!?---"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw, "SHUT UP!"
Lahat sila ay napatitig sa akin.
"NAGTUTURO AKO!" Hiyaw ko at bumalik sa pagsusulat.
"Sabi ni Ate Elery, terror 'yan. Tumahimik na kayo," rinig ko pang sabi ng isa.
Napairap na lang ako.
Ano ngayon kung may dine-date na iba si John? Hindi ba dapat maging masaya pa ako? Kase kapag nagkaroon siya ng iba, hindi na niya ako guguluhin. Akala ko ako lang sinasakay niya sa kotse niya. Meron pa pa lang iba.
*********************
Lunch time na, habang kumakain ang mga students ko ay tinetext ko si Mama at kinakamusta ang benta niya sa palengke.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...