John's P.O.V
"Bakit parang hindi ko nakita si Myra sa bahay mo? Wala ba siya ron?" tanong ni Renalyn.
"Nasa kwarto siya kanina," sabi ko.
"Ahh, so ako pa lang nakakaalam na may anak ka na pala, grabe ka talaga," sabi nito at tumawa.
"Bakit ba? Hindi ko namn kailangan iradio na magkakaanak na ako," sabi ko.
"Sayang hindi ko siya na-meet, saka sayang ka din. Akala ko crush mo rin ako," sabi ni Renalyn.
"Sus, kaya ko nga sinabi sa 'yo para 'wag ka na umasa kase ayokong saktan ka, matagal na tayong magkaibigan," sabi ko.
Si Renalyn at kaibigan ko simula noong college kami. Isa siya sa mga tropa ko. Galing siyang Singapore at nag-aya siyang lumabas kami once man lang.
Pauwi na kami ngayon at hinatid ko lang siya.
"So? Kini-keep mo bang secret yung anak mo? Dahil estudyante mo si Myra?" tanong ni Renalyn.
"Hindi sa gano'n. May tamang oras kasi para sabihin sa lahat. Iniisip ko lang si Myra. Parang kinakahiya niya pa dahil nga rin hindi magiging pabor sa nanay niya kaya siya nakatira sa 'kin, ayaw niyang malaman ng nanay niya dahil hindi naman niya ako mahal tapos nabuntis ko siya, 'di ba?" natatawa kong sabi.
"Pero aminin mo masakit, mahal mo pero hindi ka mahal, parang tayo? Mahal kita pero hindi mo ko mahal," sabi ni Renalyn.
"Baliw ka talaga," sabi ko at ngumisi.
"Pa'no kaya kapag nalaman na ng Mama niya? Ano kaya mangyayare sa inyo?" tanong nito.
"Ewan ko ba," tugon ko at inihinto ang kotse sa tapat ng bahay nila Renalyn.
"Sige na, salamat sa lunch, ingatan mo yung magiging pamilya mo ha, balitaan mo 'ko," sabi ni Renalyn at bumaba na ng kotse ko.
"Oo naman, thank you rin, take care," sabi ko at umuwi na.
*********
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Myra na nakaupo sa sofa at natutulog, may hawak pa itong baso buti nakalapag ang kamay niya sa sofa kaya hindi mababasag 'yung baso unless masasagi niya dahilan para mahulog.
Bakit kaya dito na 'to natulog? Bukas pa rin yung TV. Kung inaantok siya, dapat sa kama siya para kumportable pati sa baby.
"Myra, wake up sleepy head," bulong ko sa tenga nito.
Kinuha ko ang basong hawak nito, mukhang gatas ang ininom niya, mabuti kung ganoon.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na lang 'wag ka na bumalik," sabi nito sa akin at inirapan ako.
"Ha? Anong sinasabi mo?" tanong ko at hinugasan ang basong ginamit niya.
"Bingi ka ba? sabi ko umalis ka na lang," sabi nito at lumapit sa akin, kumuha siya ng plato sa tabi ko.
Napakunot ang noo ko. "Oh? Hindi ka pa rin nagtatanghalian? Ala-una na, Myra! May vitamins ka pang dapat inumin para sa baby," sita ko sa kaniya.
"Alam ko, hindi ako tanga, nakatulog kasi ako 'di ba?" mataray niyang sabi at kumuha ng corn beef sa stante.
"Ako na ang magluluto maupo ka na lang do'n, bakit ka nga pala doon natulog?" tanong ko.
"Nakatulog ako sa sama ng pakiramdam kanina, nahilo ako tapos pumikit ako tapos wala na nakatulog na ako, kasalanan ko pa ba 'yon?" pagtataray sa akin ni Myra saka lumakad papunta sa sofa at nanood na muli ng tv.
"Okay? Part ba 'to ng pagbubuntis? I think, yes."
Tumahimik na lang ako habang niluluto ang corn beef na gusto ni Myra.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...