Myra's P. O. V
Pinunasan ko ang luha ko, bumalik na ako sa Principal's Office.
"Nhel..." malungkot kong sabi.
"M-Myra... Umiiyak ka ba? Bakit may masakit ba sa 'yo?" tanong niya sa akin at tumayo para lapitan ako.
Umiling lang ako, kung pwede ko lang sabihin na masakit ang puso ko. Sobrang sakit.
"Naku, Mr. Nhel ganiyan talaga ang mga buntis. Ang asawa ko noon walang ginawa kundi paiyakin ang sarili niya," natatawang sabi ng Director ng school.
"Gano'n po ba? Myra, talaga bang wala lang?" tanong ni Nhel.
"O-oo, gusto ko sana kumain. Nagugutom na ako," sabi ko.
Gusto ko lang makaalis rito.
"Teacher Myra, kakayanin mo bang magturo. Buntis ka tandaan mo," sabi ni Sir.
Napabuntong hininga ako at tumayo ng matuwid.
"Kayang-kaya ko magtrabaho, sir! Walang makakapigil sa 'kin kahit ba ang anak ko," sabi ko at pilit na ngumiti.
"Kung ganoon. Pumasok ka na next week, sa start ng klase. Isesend ko na sa 'yo ang mga enrolled ng grade 9 na hahawakan mo," sabi ni Sir.
Tumango ako at nagpaalam na kami.
Hinawakan ni Nhel ang kamay ko at lumabas na kami ng skwelahan.
"Ano gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko siya, I really feel sorry for him because I can't tell him the truth.
"K-kahit ano," malungkot kong sabi.
"Kahit ano na naman?" natatawa niyang sabi habang tutok sa cellphone niya.
"Yun! May nakuha na akong grab," sabi niya at tumingin sa akin.
Nawala ang ngiti niya nang makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha ko.
"Myra... Kung may problema, pwede mo sabihin sa 'kin," sabi nito at hinawakan ang braso ko.
Umiling ako at napayuko.
"You still really love me, don't you?" mahina kong sabi.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni John.
"Yes, I thought we feel the same way. Hindi na ba, Myra?" tanong niya.
Nanatili akong nakayuko. Bigla akong nagdalawang isip sa nararamdaman ko.
"A-actually, Nhel I---" napahinto ako sa pagsasalita nang may humintong Grab sa harapan namin.
"Sir Nhel?" tanong ni manong driver.
"Oo boss!" sabi ni Nhel at binuksan ang pinto.
Ngumiti siya at tinuro ang upuan. Sumukay na ako ng sasakyan at napabuntong hininga.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni John kanina. Totoong hindi ko siya mamahalin kung hindi ako nabuntis. Naguguluhan ako. Parang sinasabi ng puso ko na mahal ko si John pero sinasabi ng isipan ko na mas mabuting si Nhel na lang ulit dahil si John ay manloloko.
"Myra..." bulong ni Nhel at hinawakan ang kamay ko.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Ano yung gusto mong sabihin kanina?" tanong niya.
"Ah--that I want an ice cream for dessert?" pagpapalusot ko at ngumiti ng patipid.
"Sure! Naglilihi ka pa rin ba?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...