Myra's P. O. V
Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang naglalakad kami ni John papunta sa lugar kung saan pwedeng mag strawberry picking.
"Okay ka pa ba?" tanong sa akin ni John
"Oo naman," sagot ko.
Pero sa totoo lang ay nangangawit na ako sa paglalakad. Wala naman akong choice dahil hindi naman uso wheel chair ditto, hay naku!
"Hinihingal ka ba?" muling tanong ni John.
"Oo, pero okay lang ako 'no!" sabi ko at mahinang tumawa saka nagpatuloy sa paglalakad.
Maya-maya lang ay hinawakan ni John ang braso ko kaya humarap ako sa kaniya.
"Baka mapaano yung baby natin," sabi nito.
"Ha? Kaya ko pa naman eh," sabi ko.
Bigla niya akong binuhat na pa-bridal style.
"Hindi ako sanay ng ganito," sabi ko at napakapit sa leeg nito.
"Baka ilaglag mo 'ko," sabi ko pa.
"Tsk! Baliw ka ba? Alam mong hindi ko kayo papabayaang mag-ina," sabi nito.
Para bang nakaramdam ako ng kung anong kilig at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Bakit kasi gano'n 'yung mga banatan niya ng salita. Grabehan kase!
"Nakikita ko na, medyo madaming tao," sabi ni John.
Tumingin ako roon, nakakita ako ng lugar na pwedeng pag picturan. Kaya agad akong nagpababa kay John at pumunta sa statue ng strawberry.
"Picturan mo ko dito dali!" sabi ko at ngumiti kay John dahil pinipicturan ako nito.
"Ikaw ba? Dali picturan din kita," sabi ko.
Umiling naman ito.
"Ang K.J. mo naman! Dali na!" sabi ko.
"Hindi ako mahilig magpicture, Myra," sabi nito.
"Kaya nga sinasanay kita 'di ba?" sabi ko at kinuha ang cellphone sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad siyang pumunta sa pinwestuhan ko. Ngumiti naman ito at pinicturan ko siya. Sobrang gwapo niya talaga! Matanda na siya pero bagets pa rin ang looks.
"Tara na, baka wala tayong makuhang magandang strawberries mo," sabi ni John at pumunta na kami doon.
Mayroong entrance fee at kilo-kilo ang bayaran sa strawberry.
Binigyan kami ng basket at gloves.
"Shems! Natatakam ako John! Parang gusto ko diretso kain na pagkapitas!" sabi ko at umupo para tignan ang mga strawberry na hinog.
"Syempre huhugasan mo pa 'yan" sabi ni John, at nakita ko siyang namimitas na rin ng strawberry.
"'Eto John malaki, sana hindi maasim," sabi ko at tinuro yung nakita kong malaking strawberry.
"Siguro naman, malalaman mamaya," aniya at namitas pa ng madami.
"Hindi ba parang sobra na 'yang pinipitas natin?" tanong ko dahil halos mapuno na namin yung isang basket.
"Sapat na ba 'to sa 'yo?" tanong nito.
"Oo madami na 'yan eh," sabi ko.
"Tayong dalawa kakain hindi lang ikaw--este tatlo tayo, kulang kay baby 'to," sabi ni John at naglakad pa saka namitas.
"Naiihi kasi ako," sabi ko at napasimangot.
Madalas na talaga ako mag-ihi, lumalaki na kasi si baby kaya naiipit na yung pantog ko!
"Tara, sasamahan na kita sa banyo," sabi ni John.
"Sige."
Lumakad na kami papunta sa CR ng farmfield na 'to. Isa lang ang banyo nila pero malinis naman kahit papaano. Naghintay si John sa akin sa pinto ng Cr. Umihi na ako at nang matapos ako ay bumalik na kami sa strawberry field.
"Picturan mo 'ko habang kumukuha ng strawberry ha," utos ko kay John.
Masunirin naman ito at kinuhanan ako ng litrato.
"Ikaw naman," sabi ko kay John, muli naman itong umiling sa akin.
"John naman eh!" sabi ko at sinamaan ko ito ng tingin.
"Sorry na, 'wag ka na magalit, oh 'eto na," mahinhin nitong sabi at humawak ng strawberry saka ngumiti sa 'kin.
"'Yan!" sambit ko at napangiti.
"Ang bilis mo na toyoin ngayon ah, 'wag mo aaraw-arawin, naku! Hindi masaya 'yon," sabi ni John at hinawakan ang ulo ko.
"Hu! Tamad ka lang manuyo," sabi ko at inirapan siya.
"Kakasabi ko lang ayan na naman," sabi niya pero 'di ko siya pinansin. Naglakad ako at kunwaring kumukuha ng strawberry.
"Myra!" tawag nito.
"Oo na susuyuin naman kita eh," aniya pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"De do'n ka sa iba, siguro may iba ka nang gusto tapos hindi na ako," sabi ko at sumimangot sa kaniya.
Hindi ito nagsalita at napabuntong hininga lang. Bakit feeling ko may gusto nga siyang iba?
"Ikaw ba? Gusto mo ba ako?" tanong ni John sa akin.
Nabigla naman ako sa kaniya kaya binigyan ko lang siya ng 'Nani look'
"Hindi pa rin ano?" natatawa nitong sabi at kinuha na yung basket ng strawberry saka naglakad.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.
"Gusto na nga ata kita," bulong ko.
"Myra! Tara na! Madami ditong hinog na," sabi ni John at sinenyasan ako.
"Gusto kita bilang si John na nakilala ko. Hindi bilang professor," sabi ko at naglakad na papalapit kay John.
"Sorry ha? Na-offend ka ba sa tanong ko kanina? 'Wag mo na pansinin 'yon--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinabayan ko na ito.
"Gusto na kita," sabi ko at tinaasan ito ng kilay.
"Sarcastic pa rin, joke pa rin 'no? Hay naku," sabi nito.
Tsk! Ayoko na magpaliwanag pero ayaw niya talagang maniwala sa akin!
Lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang leeg nito at hinalikan ko siya sa labi.
"'De 'wag ka maniwala," sabi ko at inirapan ito.
Hawak ko ang tiyan ko at nakangising naglakad palayo sa kaniya.
"Totoo na ba 'yon?" tanong ni John.
Napasimangot naman ako, nakakainis! Ayaw niyang maniwala. Ano pa ba dapat kong gawin?
"Bahala ka nga!" sigaw ko sa kaniya at binilisan ang lakad palayo.
"Teka!" sigaw nito.
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko.
"Myra! Wait," sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
Tinignan ko ito. Halata sa mukha niya na shocked pa siya. Ngayon ko lang sinabi kase ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko.
"Lahat ng pinapakita mo sa 'kin, kailangan ko lahat 'yon. Minahal kita dahil do'n. Binibigay mo sa 'kin lahat at naisip ko na deserve mong mahalin, na kamahal-mahal yung taong katulad mo," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Alam mo bang pangarap ko lang 'yang mga sinasabi mo?" sabi nito at ngumiti. "Kailangan ko lang pa lang dalhin ka dito sa baguio para lang mahalin mo 'ko."
Inirapan ko siya at wala siyang ginawa kundi tumawa. Masayang masaya naman si kumag.
"Matagal na 'to. Pero noon hindi ako sure, ayoko naman magpadalos-dalos. Tapos na-realize ko na ayon, mahal na rin kita," sabi ko.
Hinila niya ako at niyakap. Dito ko lang gusto. Simula ngayon dito na lang ako sa mga bisig ni John. Ramdam ko yung pagmamahal na hindi ko naramdaman sa iba.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...