Chapter 46

20.2K 586 112
                                    

Myra's P. O. V

Sabay kaming pumasok ni John dahilan para makarinig kami ng pang-aasar ng mga estudyante at guro na katrabaho namin.

"I-ikakasal na kayo?" nauutal na tanong ni Ma'am Jillean.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti.

"May dyamante!" masiglang sabi ni Ma'am Kiesha at kinuha ang kamay ko sabay usisa sa sing sing.

Nakita ko namang umirap si Ma'am Jillean, hindi ko siya masisisi. Ganoon din naman ako dati kapag nalaman kong may kasintahan na ang crush ko. Hanggang tingin na lang sila ngayon kay John.

"Iba ka talaga, sir!" pang-aasar ni Ma'am Neriyuwie.

Nagtawanan naman kami. Nang mag-bell na ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Papaakyat na kami sa hagdan.

"John!" tawag ko sa future asawa ko at tinaas ang kamay ko.

"Ha?" aniya.

Napairap naman ako nang hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin.

"Wala! Madapa ka sana," inis kong sabi at naglakad paakyat ng hagdan.

Hindi ba obvious na buntis ako? Bakit dati gusto niyang binubuhat ako? Bakit ngayon wala na? Bago ako tuluyang makapasok sa classroom ko ay binigyan ko muna ng masamang tingin si John.

"Ma'am! Ikakasal na kayo!?" nagulat ako sa biglang tanong ni Shannon.

"H-hoy! Saan mo narinig 'yan!?" sita ko sa kaniya at naglakad papunta sa harapan.

"'WAG KA NA MA-INGGIT! IKAKASAL DIN TAYO!" banat ni Ryan.

Nagtilian at nakipag-asaran ang lahat.

Natawa naman ako sa inakto ng mga estudyante ko, hindi naman ako mahigpit na teacher at ayoko maging strikto. Estudyante sila at tao pa rin. Walang masama na maging masaya sila habang nag-aaral sila. Besides, mas nakakagana mag-aral kapag may halong kasiyahan.

"Naku! Ryan ang dami mong babae ah!" sambit ko at kumuha ng chalk.

"Joke lang 'yon Ma'am! Ako nga pinag-aagawan nila e!" mayabang niyang sabi.

"Kapal mo 'no!"

"GWAPO KA!?"

"HINDI KA SI LEE DONG GUN!"

"Pare! Awat na!" sabi ni Lj at tinapik pa ang balikat ni Ryan dahil napag kaisahan siya.

"Pareeee!" kunwaring umiiyak na sabi ni Ryan saka niyakap si LJ.

"Pareee!" ani LJ at yumakap din.

"Tama na 'yan! Mamaya na kayo umiyak, sagutan niyo muna 'to," sambit ko.

******************

Nandito ako ngayon sa bahay ni Cass, ang dami niyang eklabu para sa akin.

"THIS! I REALLY LIKE THIS WEDDING GOWN!" masigla niyang sabi at tinuro ang nasa magazine.

"Ede ikaw mag suot," pamimilosopo ko.

"Demonyita ka! Wala nga akong Jowa! Ano pakasalan ko na sarili ko!?" inis niyang sabi at nilipat ang page ng magazine.

Napakamot ako sa batok ko, napakamahal naman kase ng wedding gown, hindi ko naman afford to. Plus, ayoko namang gumastos ng ganito kalaki si John.

"Bes! These is made by the famous fashion designer! Isleen--"

"Meron naman kaseng narerenta na mura!" singhal ko.

"EDE AKO GAGASTOS SA GOWN MO!" sigaw niya sa akin.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon