Myra's P.O.V
Nag-ayos ako ng mga gamit ko dahil matagal akong mawawala.
"Ma, i-text niyo na lang po ako kung kailangan niyo ako dito ha, saka mag-iingat po kayo palagi. I-lock niyo po yung pinto agad tutal kayo na lang naman po ditto," sabi ko habang nagtitiklop ng mga damit ko.
Lilipat na muna ako sa bahay ni Sir at nakahanap ako ng trabaho online. Kaya kahit nasa bahay ako ay magkaka-income ako.
"Anak, 'wag mo ako alalahanin, ikaw ang mag-ingat tutal sabi mo malayo. Madami naman akong kaibigan dito para tayong pamilyang magkakapitbahay dito," sabi ni Mama.
"Ibibilin ko po kayo sa kanila," sabi ko at ngumiti kay Mama.
Nag-abot sa akin si Mama ng pera pero hindi ko ito tinanggap.
"Mama, okay lang po," sabi ko at ngumiti lang.
"Maliit lang naman 'to anak," sabi ni Mama.
"Tsk, kahit na ba, Ma," sambit ko.
Inayos ko na 'yong mga gamit ko at inilagay sa bag ko ang mga damit ko. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako.
Tumawag ako sa mga kapitbahay namin na aalis na ako kaya sana tignan-tignan nila si Mama. Mahirap sa loob ko na iwanan si Mama dito. Pero hindi pa ako handang makarinig ng mga masasakit na salita mula sa kaniya. Ayoko pang makarinig ng pagka-disappoint.
Dahil low budget lang ako ay nag jeep lang ako, kahit hassle ang byahe ay kailangan tiisin. Nilakad ko lang din simula kanto hanggang bahay ni Sir. Pagkarating ko sa bahay ni Sir ay ubos na ang lakas ko. Kinalampag ko ang gate niya para lumabas siya.
"Sir," sambit ko.
Tinitigan niya muna ako at ang mga bagaheng dala-dala ko.
"Naglayas ka ba?" tanong ni Sir bago buksan ang gate.
"Obvious po ba?" tanong ko.
"Ewan ko sa 'yo, buntis ka tapos ganiyan kabibigat ang mga dala mo?" sabi ni sir at kinuha ang dalawang bag na dala ko.
Napahawak ako sa puso ko na malakas ang kabog dahil hingal pa rin ako sa paglalakad.
"Sir, pwede po makahingi ng tubig?" tanong ko.
"Ano ba nangyare? Bakit ka naglayas? Nalaman ba ng Mama mo?" tanong ni Sir.
Inirapan ko naman ito.
"So? Mamamatay muna ako?" tanong ko.
"Oo na," sabi ni sir at tumungo sa kusina para kuhanan ako ng tubig.
Bumalik si sir na may dalang isang baso at isang pitsel.
"Bakit may pitsel pa?" tanong ko.
"Baka kulang sa 'yo isang baso," sabi ni Sir.
Sinamaan ko lang ito ng tingin at uminom na ng tubig. Sobrang napagod ako sa paglalakad dahil medyo may kalayuan din. Wala naman akong choice dahil kulang na ang pera ko pang trycicle.
"Sir? pwede po ba ako mag-stay muna dito sa bahay mo?" tanong ko.
"Tingin mo ba may space ka pa rito?" mataray na tanong ni Sir.
"Bwiset! Sige 'wag na! Kung hindi lang ikaw ang ama nito hindi ako makikitira rito!" galit kong sambit.
Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Sir.
"Wag ka na magalit, papatirahin na kita dito basta sabihin mo muna kung anong nangyare," sabi ni Sir.
"Hindi pa alam ni Mama," sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...