Chapter 23

25.8K 617 46
                                    

Myra's P. O. V

Sobrang nakakatakot, pero dapat kong gawin 'to. Hindi ko maitatago ang batang 'to habambuhay.

"Cass," tawag ko sa kaibigan ko na nakaupo sa bench.

"M-myra? Shit, ano 'to? Prank ba 'to?" tanong ni Cass at napatayo sabay turo sa tiyan ko.

"Buntis ako," mahina kong sabi at napabuntong hininga.

"Sino?" tanong nito.

"Ha?" tanong ko.

"Sino ang ama?" tanong ni Cass.

"'Wag tayo dito mag-usap," sabi ko.

Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko mayroong nakamasid sa 'kin. Alam kong mall 'to pero may nararamdaman akong kakaiba. Hinawakan ko ang tiyan ko saka tumingin kay Cass.

"Tara sa kotse ko," sabi ni Cass at inalalayan ako papunta sa parking lot.

Nakayuko ako habang naglalakad, hindi kaya sinundan ako ni John? Pakiramdam ko talaga may nakatitig sa kilos ko. Agad kong tinext si John kung nasaan siya pero hindi naman niya ako nireplayan.

"Pasok," sabi ni Cass at pinagbuksan ako ng pinto.

Tumabi ito sa akin at in-open ang aircon ng kotse.

"Ikwento mo na sa akin, nagkita ba kayo ni Nhel? Tapos nabuntis ka niya-"

"Hindi si Nhel yung ama nito," bulong ko.

"Ano? Nag-cheat ka? Ganoon ba ha?!" sigaw sa akin ni Cass.

"Please 'wag mo muna ako husgahan sana pakinggan mo muna ako," sabi ko.

Nangingilid na ang luha ko, tumingin naman sa akin si Cass at niyakap ako.

"Hindi naman kita huhusgahan. Parang 'di mo naman ako kilala magsalita. Sige na, ano ba nangyare?" tanong nito sa akin.

"Si sir John kase---"

"Si sir John ang nakabuntis sa 'yo?!" gulat na sigaw ni Cass.

"Ano ba! Patapusin mo muna ako," sabi ko at inirapan siya.

"Fine," bulong ni Cass.

"Bumagsak ako sa college, si sir John ang nagbagsak sa 'kin. Sinabi niya na para makapasa ako, dapat akong makipag-make out sa kaniya. Which is, I fucking did, hindi na ako nag-isip ng tama nung panahon na 'yon. Sobrang takot ako magretake. Tapos after ilang weeks nalaman kong buntis pala ako. Sinubukan kong ipalaglag 'to pero palagi akong sinasagip ni John. Tumira ako kay John dahil hindi pwede malaman ni Mama na buntis ako, actually sa 'yo ko pa lang sinabi," kwento ko.

"Sabi ko na nga ba, may gusto sa 'yo si sir John," sabi ni Cass at kinuha ang cellphone niya.

Pinakita niya sa akin ang picture ko at ni sir John na nakatingin sa 'kin habang kumakain ako, habang naglalakad ako sa hallway at habang nasa cr ako.

"What the f*ck. Cr 'to ha," sambit ko.

"Walang tao niyan. 'Yan yung nalate ka at nagawa mo pang mag CR para mag-ayos. Sinend 'yan sa 'kin lahat ni Dave, siya ang nag-spy kay Sir. Trip niya lang daw hanggang sa nakaamoy siya ng kakaiba," sabi ni Cass.

"Kelan niya 'yan sinend sa 'yo?" tanong ko.

"Last week. Dapat nga hindi na niya isesend sa akin dahil matagal na daw 'yon at baka mali lang siya ng iniisip pero it come to be true," sabi ni Cass.

"So, bakit kayo magkausap?" tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Hoy gaga ka! Papatayin kita 'wag ka mag-isip ng kung ano. Nag-react kase ako sa my day niya dati tapos ayon nagkamustahan lang," kwento ni Cass.

"Utot mo, alam kong may crush ka do'n dati nung 3rd year tayo," sabi ko.

"Che! Pero paano mo sasabihin sa Mama mo na may anak ka na?" tanong ni Cass.

"Bukas magbibigay ako sa kaniya ng pera at aamin na ako," sabi ko.

"Well good luck sa 'yo sis, Alam mo naman na support lang kita, by the way namiss kita ha. Gusto mo mag-SB tayo?" tanong ni Cass.

"Pero na awkward ako sa mall eh," sabi ko at napatingin sa bintana.

"Ede tara na lang sa resort namin, alam mo maganda na 'yon ngayon kase matatapos nang gawin. Fresh air 'yon. Maganda para sa kalusugan mo at ni baby," sabi ni Cass.

"Alam mo na ha, ako ang ninang niyan. Hindi ba nakakasama sa 'yo magbyahe-byahe?" tanong ni Cass habang nag-dadrive na.

"Hindi naman na, malakas na ang kapit ni baby dahil din sa iniinom kong mga vitamins," sabi ko.

Napatingin ako sa sidemirror at tinignan ko ang mukha ko.

"Hay naku! 'Wag ka conscious kase maganda ka paring buntis ka! Bakit ba kase ang ganda-ganda mo! Ang perfect din kase ng katawan mo babaita ka. Naakit mo tuloy si Sir," sabi ni Cass at tumawa.

"Bwisit ka talaga! Pinagpala lang ako sa kagandahan pero sa talino wala, nga-nga," sabi ko at tumingin sa daan.

"Ano gusto mong gender?" tanong ni Cass

"Babae," sagot ko.

"Si sir John?" tanong nito.

"Hindi ko alam," sagot ko.

"Ha? Anong hindi mo alam. 'Di ba nasa iisang bahay lang kayo. Hindi niyo man lang ba napagusapan ang anak niyo?" tanong ni Cass.

Napaisip naman ako. Tama si Cass wala man lang kaming napagusapan ni John tungkol sa gender ng anak namin. Ano kayang gusto niya?

Tinignan ko ang cellphone ko pero wala paring reply si John kaya minessage ko siya ulit. Mukhang wala siyang balak na replayan ako.

"Nandito na tayo," sabi ni Cass.

"Welcome to secret garden resort?" basa ko sa sign na nakalagay sa may tuktok ng isang bahay.

"Tara bilis!" sabi nito.

Madaming mga manggagawa ang nasa loob. May mga naghahalo ng simento at mayroong nagdidilig ng mga halaman.

"'Di ba 'eto yung hilig mo? Mga flowers? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Cass sa akin.

Hinila pa ako ni Cass papunta sa may fountain na ang nakapaligid ay bulaklak.

"Salamat sa pagdala mo sa 'kin dito ha," sabi ko kay Cass.

"Wala 'yon. After all, ikaw lang naman ang totoong tao sa 'kin. Wala na akong mahahanap na kaibigan na kagaya mo. 'Eto magwish ka," sabi nito sa akin.

"Wish?" tanong ko. Inabutan naman ako ni Cass ng piso.

"Ikaw ang unang magwiwish diyan. Ako kase wala pa akong maisip," sabi nito.

Agad naman akong pumikit.

'Sana maging masaya ako at ang magiging pamilya ko'

Inihagis ko na ang piso sa fountain at tinignan ang mga bulaklak. Pinicturan ko ito bilang remembrance. Sobrang ganda ng resort nila. Maraming puno at halaman. Puro green dahil sa mga damo at maraming on going na pool. Hindi pa tapos yung dulo dahil nandoon lahat ng pool.

Simula bata ako mahilig ako magtanim at mag-alaga ng halaman. Itinigil ko lang.

"Bakit ka nga pala hindi na nagtanim? Yung major mo pa naman as a teacher is T. L. E, ede puro planting 'yon. Dati ikaw pinakamataas na grade sa pagtanim," sabi ni Cass.

Napatawa na lang ako ng maalala ang mga iyon.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon