Chapter 22

25.6K 675 49
                                    

Myra's P.O.V

Pumunta kami sa SM baguio para kumain ng tanghalian. Pagkatapos noon ay namasyal kami sa Mines view at Camp John Hay.

"Mamaya uuwi na tayo," sabi ni John at tumango lamang ako.

"Pwede ba ako mag-request sa 'yo? Alam mo naman wala akong trabaho pero katapusan na ng buwan kaya kailangan ko ulit mag abot ng pera kay Mama."

"Sige. 5k ulit? Pero paano mo haharapin yung Mama mo eh halata na yung tiyan mo ngayon," sabi nito.

"Naisip ko na, baka pumayag naman si Mama kasi 'di ba ngayon pinapanindigan mo naman ako," sabi ko.

"Oo naman. Aaminin mo na ba? Kakausapin mo na ba yung Mama mo?" tanong sa akin ni John.

"Hindi ko pa alam. Pero kasi hindi ko naman pwede itago 'to habambuhay. Malalaman at malalaman din naman niya," sabi ko at napaupo sa isang bench dito sa Camp John Hay.

"Ok ka na ba? Tara na. Matagal-tagal din ang biyahe."

"Sige," sabi ko at naglakad na kami pabalik sa kotse. Pumunta muna kami sa Hotel para mag-ayos ng gamit.

Napatingin ako sa balkonahe at napatingin kay John. Bakit feeling ko pumunta lang kami dito para mag-honeymoon.

"May problema ba?" sabi ni John at nilapitan ako.

"Ha? Wala," sabi ko at nag-ayos na ulit ng gamit.

Dinala na namin lahat ng gamit sa kotse at nagsimula nang bumyahe.

"Ba-bye Baguio!" sabi ko at kumaway-kaway habang nasa loob ng kotse.

"Babalik tayo dito kapag okay na sa Mama mo," sabi ni John.

"Sige!"

Bukas magbibigay ako ng pera. Pakiramdam ko hindi pa dapat. Pero ba't gano'n natatakot pa rin akong malaman niya. Baka i-judge pa ako ng mga kapitbahay namin doon.

Nang tumagal ang biyahe ay pumikit na lang ako hanggang sa makatulog na.

John's P. O. V

Dumaan ako sa McDonald's ng makita kong may drive thru ito. Tulog pa rin si Myra kaya tinabi ko muna yung mga pagkaing binili ko. Wala akong balak istorbohin ang tulog niya tutal alam kong pagod siya sa mga lakaran kanina.

Naka-received ako ng text mula sa school director namin at next week mag-aayos na kami sa school. Mukhang magiging busy ulit ako tulad ng dati. Maghahanapan na naman ng files ng mga estudyante. Magsisimula na rin ang enrollment.

"Gabi na pala," napatingin ako kay Myra na nagising na.

"Oo, kumain ka na muna. 1 hour na lang malapit na tayo sa Manila," sabi ko.

"Ang tagal pa noon, nababagot na ako sa byahe," sabi ni Myra at tumingin sa bintana.

"Kumain ka na," sabi ko ulit.

"Hhmmm, bakit sobrang caring mo? Naku John ayoko ng mga pansamantala lang. Ayokong umasa ha," sabi nito at kumuha na ng pagkain.

Nakita ko ang trafic light na nag red kaya huminto ako at tinignan si Myra habang kumakain.

Paano kita papaasahin? Mukhang ako nga yung umaasa sa 'ting dalawa. Lalong tumatagal mas lalo kitang minamahal. Kung alam mo lang Myra.

"Beeeep* Beeep*" rinig kong busina ng sasakyang nasa likod ko.

"Ay tulog ka sis? Go na," sabi ni Myra habang kumakain.

Nagmaneho na ulit ako.

"Ikaw ba? Wala kang balak kumain man lang?" tanong ni Myra sa akin.

Nakatingin lang ako sa daan. Nabigla ako ng may makita ako kaya naapakan ko agad ang preno.

"AY! SANTA MARIA! Ano ba naman John pwede naman magdahan-dahan!" rinig kong sabi nito.

Hindi ako pwedeng magmakamali. Yung lalakeng naglalakad na may kasamang mga foreigners. That's my Dad.

"Beeeep*" malakas na busina mula sa likod ko. Agad kong pinaandar ang kotse at diretso lang ang tingin ko sa kalsada.

Wala man lang siyang balak na makita ako. Mukhang nakalimutan na niyang may anak siya dito sa Pilipinas.

"John? Parang ang bilis mo magmaneho," rinig kong sabi ni Myra. Nagising naman ako sa reyalidad kaya medyo binagalan ko ang takbo ng sasakyan.

"Okay ka lang ba? Kumain ka muna," sabi ni Myra pero umiling lang ako.

Hindi na muling nagsalita si Myra at dire-diretso lang ang byahe namin hanggang sa makarating na kami ng manila.

"Eto yung susi ng bahay. Ikaw na magbukas. Tapos ako na bahala magpasok ng mga bagahe," sabi ko kay Myra at pinark ang sasakyan sa garahe saka ko binuhat ang mga maleta saka pinasok sa bahay.

"Aalis ako bukas. Magkikita daw kami ni Cass. Ikukwento ko na din sa kaniya yung totoo," sabi ni Myra. Tumango lang ako sa kaniya.

Kinuha ko yung binili ko sa drive thru saka lumabas. Naupo ako sa simento saka kumain.

"Ano ngayon kung nandito ka sa Pilipinas," sabi ko at tumawa. "Wala na dapat akong pakealam sayo, dahil ikaw nga wala kang pakealam sa 'kin."

Tumingin ako sa langit. Bakit pakiramdam ko sobrang malas ko. Tinakwil na akong tuluyan ng mga magulang ko. Si Mama kaya? Paano kung buhay pa siya? Hindi kaya ako iiwanan ni Papa mag-isa?

"John, may nasabi ba ako kanina na hindi maganda? Bakit bigla kang nagkaganiyan?" rinig kong tanong ni Myra mula sa likod ko.

"Wala. Wala kang nasabing mali," sagot ko sa tanong niya.

"Kung wala, bakit bigla kang na-badtrip?" tanong nito.

"Kalimutan mo na 'yon," sabi ko.

"Nandito naman ako eh, kung may problema ka, pwede ka naman magsabi sa 'kin," sinubukan niyang umupo rin sa tabi ko. Pero dahil naka indian-seat lang ako sa simento ay hindi niya kinaya.

"Wag mo na pilitin. Buntis ka 'di ba?" sabi ko.

"Tsk! Ano ba kase 'yon ha?" inis na sabi ni Myra.

"Ako yung tinotoyo ah? Bakit pati ikaw nakikisabay," sabi ko.

"Wow ah! Mas toyoin ka talaga kesa sa babae, ewan ko sa 'yo. Bahala ka diyan," sabi nito at pumasok na ulit sa bahay.

"Sabi ko nga..." bulong ko at sinundan na si Myra. "Ano trip mo?" tanong ko.

Pero hindi ako pinansin ni Myra at tinuloy niya lang ang pag-cecellphone niya.

"Sige na, sorry na bati na tayo," sabi ko.

Tumingin siya sa akin ng masama kaya nginitian ko siya.

"Neknek mo!" aniya sa akin at pumunta siya sa kwarto saka dinabog ang pinto.

"Aba! Bahay ko 'to ah," sabi ko at kinatok siya sa kwarto. "Kailangan ba ng peace offering?" tanong ko.

"Ewan ko sa 'yo!" rinig kong sigaw ni Myra.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng chocolate sa ref. May naitabi pa akong Cadbury dito.

Kinuha ko ang susi ng kwarto saka pinasok si Myra.

"Oh 'eto na, sorry na ha," sabi ko.

Nag-thumbs up naman ito sa akin.

"Oh ano 'yan?" tanong ko.

"Likezone," sabi nito.

"Ano 'to, chat?" sabi ko at tumawa sa kaniya.

Tinanggap naman niya yung chocolate at kinain. Mukhang naging toyoin na yung asawa ko. 

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon